'Summer jobs' alok sa mga estudyante hanggang edad 30 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Summer jobs' alok sa mga estudyante hanggang edad 30

ABS-CBN News
Published Mar 08, 2018 07:01 PM PHT

Daan-daang "summer jobs" ang nag-aabang sa mga estudyanteng gustong kumita ng dagdag-pantustos sa kanilang gastusin sa pag-aaral.

Inaalok ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students ang iba't ibang trabaho kasabay ng nakasanayang bakasyon mula sa eskuwela ng mga mag-aaral.

Puwedeng pumasok ang mga estudyante sa mga posisyong gaya ng office at IT staff, data encoder, administrative assistant, pati na rin service crew sa mga restaurant.

Katuwang ng DepEd sa programa ang iba pang ahensiya ng pamahalaan pati na rin ang mga pribadong kompanya.

ADVERTISEMENT
Bukod sa minimum wage na sahod, makatatanggap din ng insurance at iba pang benepisyo ang mga papasok sa summer jobs mula Abril hanggang Hunyo.

Puwedeng mag-apply rito ang mga estudyante na edad 15-30, nasa high school, senior high school, kolehiyo, at pati vocational school.

Kung out-of-school youth naman, dapat patunayang may balak bumalik sa pag-aaral.

Dapat ding hindi lalagpas sa P150,000 kada taong ang kinikita ng mga magulang ng estudyanteng nais magkaroon ng summer job.

Kapag natanggap sa programa, magtatrabaho ng hanggang 40 working days ang estudyante.

Bukod sa summer jobs, may alok ding trabaho ang DepEd tuwing bakasyon naman ng mga estudyante kapag kapaskuhan.

-- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
hanapbuhay
trabaho
estudyante
summer jobs
high school
senior high school
kolehiyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT