Modified odd-even scheme, nais maipatupad sa EDSA sa Abril | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Modified odd-even scheme, nais maipatupad sa EDSA sa Abril

Doris Bigornia,
ABS-CBN News
Published Mar 07, 2017 07:26 PM PHT
|
Updated Mar 08, 2017 12:27 AM PHT

MANILA – Maaaring maipatupad na sa susunod na buwan ang modified odd-even number-coding scheme sa EDSA.

Aayusin na lang umano ang planong ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at balak nila itong ikasa matapos maipakalat ang impormasyon sa publiko.

Tatawagin umanong “Windows 2” ang modified odd-even scheme, dahil hindi total ban ang ipapatupad—may mga oras lang mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi na hindi makakadaan sa EDSA ang ilang sasakyan.

“Every 2 hours ang odd-even ban, which means from 7 a.m. to 9 a.m., odd; 9 a.m. to 11 a.m., even; and then 11 a.m. to 1 p.m. grace period; and then 1 p.m. to 3 p.m. odd, and so forth until 9 p.m.,” ani General Manager Thomas Orbos, ang acting chairman ng MMDA.

Pribadong mga sasakyan ang sakop ng Windows 2, pati na ang mga kotseng rehistrado sa mga ride-sharing services tulad ng Uber at Grab. Hindi kasama sa odd-even scheme ang mga pampublikong sasakyan.

Abiso ng MMDA, alamin ng mga motorist ang mga oras na bawal sila sa EDSA, at planuhin ang paglabas nila sa kalye. Kapag bawal ang sasakyan nila ay maaari naman umanong gumamit ng alternatibong ruta.

“We have to remember, the private vehicles constitute 80 percent of the road usage…The road is for us, it’s for free. We're not saying you can’t use the road, but use it at the time designated,” ani Orbos.

Hindi naman kinontra ng Metro Manila Council o mga alkalde ng 17 siyudad na sakop ng EDSA ang plano ng MMDA. Rekisito lang ng mga ito, ayusin ang Mabuhay Lanes, wasiwasin ang lahat ng mga sagabal sa kalye, at tanggalin ang mga iligal na terminal sa Cubao at Pasay.

May 1 buwan para gawin iyan ng MMDA, kaya sa susunod na buwan ay ihaharap ni Orbos ang mas maayos na plano para pabilisin ang daloy ng trapiko sa EDSA. Pasok sa panahon na ito ang konsultasyon sa mga stakeholders sa EDSA.

Sa taya ng MMDA, base na rin sa kanilang pag-aaral at simulation tests, doble ang ibibilis ng takbo ng mga sasakyan sa EDSA sa oras na maipatupad ang Windows 2. Sa ngayon kasi, 19 kilometers per hour (kph) umano ang karaniwang takbo ng mga sasakyan sa EDSA. Kapag may odd-even na umano ay maaari nang umarangkada ang mga sasakyan sa bilis na 40 kph.

Aayudahan ang Windows 2 ng iba pang traffic scheme na aprubado na ng Metro Manila Council, tulad ng pagbubukas ng service roads sa kahabaan ng Roxas Boulevard (north bound), at ang paglipat ng Southwest Provincial Bus Terminal mula sa Coastal Road sa HK Plaza sa may Macapagal Highway tagos sa Roxas Boulevard, mula sa Abril 4.

Ipagbabawal na rin ang mga light trucks sa EDSA tuwing “peak hours,” particular sa Mandaluyong at Pasig. Mahigit 3,000 light trucks umano ang maaalis sa EDSA pagdating ng Abril 4.