Sasakyang pumarada sa tambakan, tinapunan ng basura | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sasakyang pumarada sa tambakan, tinapunan ng basura

ABS-CBN News
Published Feb 28, 2018 09:39 PM PHT
|
Updated Dec 19, 2019 02:04 PM PHT

Tinapunan ng basura ng mga residente ng Barangay Lower Quirino Hill, Baguio City ang isang sasakyang humarang sa tambakan ng basura ng komunidad.

Nakuhanan pa ng CCTV ang ginawa ng mga residente sa sasakyan noong Sabado, kasagsagan ng Panagbenga Festival sa lungsod.

"Iyon talaga ang aming basurahan," ani Barangay Kagawad Rosa Cristal.

Nakumpiska ang plaka at pinagmulta ang driver ng sasakyan alinsunod sa Administrative Order No. 116 na kontra sa road obstruction.

Nakipag-usap naman ang may-ari ng sasakyan sa mga opisyal ng barangay.

Ipinaliwanag niya na bisita siya kaya hindi niya alam na tambakan pala ang pinagparadahan.

Aminado naman ang residenteng si Eduardo Patnogot na isa siya sa mga nagtambak ng basura.

"Kasalanan niya iyon... Dapat niyang alamin kung ano dito sa Baguio," sabi ni Patnogot.

Noong Enero, nakuhanan din ng retrato ang pagtatambak ng basura sa isang sasakyan sa Barangay East Quirino Hill.

Tambakan din kasi ng basura ang pinagparadahan nito.

Noong 2016, isang taxi rin ang tinambakan ng basura dahil pumarada rin sa lagayan ng basura.

-- Ulat ni Melinda Ramo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT