Kotseng humarang sa tambakan, tinapunan ng basura | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kotseng humarang sa tambakan, tinapunan ng basura

ABS-CBN News
Published Jan 04, 2018 03:03 PM PHT

Tinabunan ng basura ng mga residente ng Barangay East Quirino Hill, Baguio City ang isang sasakyang ilegal na pumarada sa harap ng kanilang tambakan ng basura.

Karaniwang gawain ng mga taga-barangay na magtapon ng basura sa garbage collection area tuwing Linggo ng gabi hanggang Lunes ng umaga.

Ngunit nang may sumakop dito'y naisip ng mga residenteng tabunan ito ng basura dahil wala na rin umano silang mapaglagyan.

Nag-viral pa sa social media ang retrato ng tinambakang sasakyan.
Nag-viral pa sa social media ang retrato ng tinambakang sasakyan.
ADVERTISEMENT
Ayon sa ilang residente, pangalawang beses nang hinarangan ang garbage collection area.

Nilinaw naman ni Eric Ueda, pinuno ng barangay, na hindi nila hinikayat ang mga residente na tapunan ang sasakyan.

"Hindi namin ini-encourage 'yong mga tao na tambakan ng basura 'yong mga sasakyan na naka-park sa designated garbage collection area, but we prohibit yung mga sasakyan na mag-park doon," ani Ueda.

Dagdag ni Ueda, hindi sila nagkulang sa paalala na bawal pumarada sa lugar, lalo pa't may nakapaskil na karatula hinggil dito.

Wala rin umanong reklamo sa barangay ang may-ari ng kotseng natabunan.

"What we received is 'yong nabasa natin sa Facebook na nagsabi 'yong kakilala na aminado naman siya na siya ‘yung may kasalanan," ani Ueda.

-- Ulat ni Marianne Reyes, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT