ALAMIN: Detalye ng panukalang gobyernong 'federal-presidential' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Detalye ng panukalang gobyernong 'federal-presidential'

ALAMIN: Detalye ng panukalang gobyernong 'federal-presidential'

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 18, 2018 08:28 PM PHT

Clipboard

Inaasahang radikal para sa marami ang isinusulong na pederalismo kaya minabuti ng consultative committee, na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte para repasuhin ang Saligang Batas, na panatilihin ang kasalukuyang porma ng pamahalaan.

Sa botong 11-7, nagpasya ang consultative committee na panatilihin ang presidential form of government sa ilalim ng pederalismo.

Ibig sabihin, presidente pa rin, hindi prime minister, ang mamumuno sa bansa.

Ang pagdedebatehan na lang ng komite, ano'ng mga dagdag na kapangyarihan ang ibabahagi para mas mapalakas at mapaunlad ang mga rehiyon sa ilalim ng sistemang pederalismo.

ADVERTISEMENT

"When we talk of a strong center in our federal union, we need a president with such a plenitude of executive powers so that he cannot fail in leading our people in their continuing odyssey for peace, progress and prosperity," ani dating Chief Justice Reynato Puno, chairman ng consultative committee on Charter change.

(Kailangang paigtinging pa ang kapangyarihan sa ehekutibo ng pangulo sa ilalim ng pederalismo para makapamuno sa mga mamamayan tungo sa kapayapaan at kaunlaran.)

Giit ng mga bumoto para sa federal-presidential model, kailangan pa rin ang malakas na presidente para mapanatili ang katatagan ng bansa.

Di pa napapagkasunduan ang detalye ng modelo.

Pero kung susundin ang panukala ni dating Sen. Aquilino "Nene" Pimentel Jr., iboboto na ang pangulo at pangalawang pangulo mula sa parehong partido o ticket.

Anim na taon pa rin ang termino at walang reelection.

Dapat ding college graduate man lang ang mga kakandidato.

Dalawa pa rin ang magiging kapulungan ng Kongreso: Ang Senado at ang House of Representatives na tatawagin namang federal assembly sa ibang mga panukala.

Aabot sa 87 mula sa kasalukuyang 24 ang bilang ng mga senador.

FEDERAL ASSEMBLY

Natalo ang panukalang "hybrid" na modelo ng pederalismo na paghahatian sana ng presidente at prime minister ang kapangyarihan.

Dahil di lumusot ang hybrid, balak isulong ni consultative committee member Edmund Tayao na kalahati ng federal assembly ay bubuuin ng mga kinatawang ihahalal base sa dami ng botong makukuha ng isang partido o ang tinatawag na system of proportional representation.

Ibig sabihin, partido ang iboboto at hindi ang indibidwal na kandidato.

Ang nalalabing 50 porsiyento ng federal assembly, bubuuin naman ng mga mambabatas mula sa iba't ibang distrito.

Balak ding itaas sa 60 porsiyento ang bahaging makukuha ng regional governments mula sa kabuuang kita ng pamahalaan, 40 porsiyento naman ang maiiwan sa federal o national government.

Ibig sabihin, mas maraming pondo ang bubuhos sa mga rehiyon.

Anim na buwan ang ibinigay sa komiteng pinamumunuan ni Puno para bumalangkas ng bagong federal constitution.

Kabilang sa komite ang iba't ibang eksperto pagdating sa batas at pamamahala.

Gayunman, nauna nang sinabi ng isang lider ng Kamara na nasa mga mambabatas pa rin kung susundin ang mga rekomendasyon ng komite.

-- Ulat ni Christian Esguerra, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.