1,000 nasunugan sa QC; charger posibleng sanhi ng apoy | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1,000 nasunugan sa QC; charger posibleng sanhi ng apoy

ABS-CBN News
Published Feb 28, 2018 05:10 AM PHT
|
Updated Oct 18, 2018 08:42 PM PHT

MANILA - Tinatayang 1,000 katao ang nawalan ng tahanan sa sunog sa Barangay Tatalon, Quezon City na hinihinalang sumiklab dahil sa napabayaang charger ngayong Miyerkoles ng madaling-araw.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang "Aling Puring" at mabilis na kumalat sa mga magkakadikit na tahanang gawa sa light materials, sabi ng mga bumbero.

Fire razes houses in Tatalon, Quezon City | via @ernie_manio pic.twitter.com/6tG8NQWpFr
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) February 27, 2018

Nahirapan anila silang apulahin ang apoy dahil walang malapit na water hydrant at makipot ang mga eskinita sa lugar.

Sa kasagsagan ng sunog, isinara ang eastbound lane ng Quezon Avenue sa bahagi ng Sto. Domingo Church upang makadaan ang mga awtoridad.

ADVERTISEMENT
Sarado pa ang Quezon Ave eastbound mula Banawe hanggang Araneta dahil sa sunog sa Tatalon | via @jekkipascual pic.twitter.com/gt42czZ2Cx
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) February 27, 2018

Pasado alas-7:30 ng umaga napatay ang sunog na nakaapekto sa nasa 300 pamilya.

Nasugatan si Aling Puring, pero walang nawala o nasawi sa sunog na nangyari 1 araw bago magsimula ang Fire Prevention Month.

Paalala ng Bureau of Fire Protection, huwag iwanang nakasaksak ang mga appliance kung hindi na ginagamit at tiyakin ding hindi substandard ang mga ito.

May ulat nina Jekki Pascual, Isay Reyes, at Ernie Manio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT