Fertility rate ng kababaihan, bumaba | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Fertility rate ng kababaihan, bumaba
Fertility rate ng kababaihan, bumaba
ABS-CBN News
Published Feb 26, 2018 10:48 PM PHT
|
Updated Dec 14, 2019 04:03 PM PHT

Bumaba ang total fertility rate ng mga babaeng nasa reproductive age, o 'yong edad 15-49 sa bansa, base sa isinagawang National Demographic and Health Survey (NDHS) ng Philippine Statistics Authority.

Ang total fertility rate ay ang bilang ng posibleng maging anak ng isang babae mula edad 15-49.

Mula sa 3 noong 2013, o tatlong anak kada babae, bumaba ito sa 2.7 noong 2017.

Ibig sabihin, mas mababa na sa tatlo ang average na bilang ng nagiging anak ng babaeng nasa reproductive age.
Ibig sabihin, mas mababa na sa tatlo ang average na bilang ng nagiging anak ng babaeng nasa reproductive age.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Commission on Population (POPCOM), ilang dahilan sa pagbaba ng fertility rate ay ang kahirapan, pressure sa trabaho, at higher educational status o mas mataas na pinag-aralan.

Paliwanag din ni Dr. Juan Antonio Perez III, executive director ng POPCOM, maituturing na salik sa pagbaba ng fertility rate ang pagtaas ng bilang ng nagpaplano ng pagpapamilya kasabay aniya ng pagpapatupad ng Responsible Parenthood and Reproductive Health (RP-RH) Law.

Sabi rin ng POPCOM, magandang senyales ang pagbaba ng fertility rate para maabot ang target nitong 2.1 pagsapit ng taong 2022.

Dagdag ng komisyon, kapag bumaba kasi ang fertility rate ng bansa, ibig sabihin nagiging stable na ang paglaki ng populasyon.

Ani Perez, maraming bansang may fertility rate na 2.1 ang aniya'y sumigla ang ekonomiya.

Wala pang panig ang Simbahang Katolika ukol sa pagbaba ng fertility rate ng kababaihan.

Gayunman, dati nang tinutulan ng Simbahan ang RH Law dahil labag umano ito sa diwa ng pagpapamilya at pagkakaroon ng mga anak na papatnubayan ng mga magulang.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Kori Quintos
balita
populasyon
fertility rate
population
kalusugan
health
reproduction
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT