Mga nasawi sa aksidente sa Tanay, 15 na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga nasawi sa aksidente sa Tanay, 15 na
Mga nasawi sa aksidente sa Tanay, 15 na
ABS-CBN News
Published Feb 21, 2017 08:22 AM PHT

Labinlima na ang patay matapos sumalpok sa poste ang isang tourist bus na may sakay na mga estudyanteng nasa field trip sa Tanay, Rizal.

Pinakahuli sa mga nasawi ang isang babaeng Muslim na pumanaw sa Amang Rodriguez Hospital, ayon kay Bong Bati, administrative officer ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Tanay.

Dagdag ni Bati, 62 ang sakay ng Panda Coach tourist bus. Karamihan sa mga nakasakay ay mag-aaral ng Bestlink College sa Novaliches.

Papunta sana ang mga biktima sa isang campsite para sa 3 araw na training na bahagi ng kanilang National Service Training Program (NSTP).

Posibleng nasunog ang brakes ng bus kaya nakaamoy ng sunog na goma ang mga estudyante ilang sandali bago ang aksidente, sabi ni Bati.

Lumabas din anya sa inisyal na imbestigasyon na posibleng sinadyang ibangga ng driver ang bus sa poste upang maiwasan ang katabing malalim na bangin.

"Binangga niya talaga, iyung ang nakikita dahil ang kasunod na bahagi po ng pinangyarihan ay bangin. Parang iniisip niya rin po na mas malaking disgrasya," ani Bati.

"Ang problema po ay paghampas niya sa poste, nabali po ito at ito po ang naging dahilan ng pagkasira ng itaas na bahagi o bubong po ng bus."

Sa lakas anya ng pagkakasalpok, nawasak ang bus at natanggal pa ang bubong.

PANOORIN: Loob na bahagi ng naaksidenteng bus sa Sampaloc Road, Tanay, Rizal | via @jeffreyhernaez pic.twitter.com/qNpfEoUwMU
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) February 20, 2017

Kabilang sa mga nasawi sa ospital ang driver na si Julian Lacorda, na nagtamo ng mga head injury at bali sa buto.

Dalawampu't limang pasahero ni Lacorda ang nananatili sa iba't ibang pagamutan hanggang pasado alas-12 Martes ng hatinggabi.

Nangako na ang Bestlink at Panda Coach na sasagutin ang mga gastusin ng mga biktima, ani Bati.

Papunta sana ang mga biktima sa isang campsite para sa 3-araw na training na bahagi ng kanilang National Service Training Program (NSTP).