TINGNAN: Pag-rescue sa sanggol mula sa baha sa Surigao

May Diez, ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 07:02 PM

Inilagay ng mga sundalo ang isang 5-buwang sanggol sa isang batya habang inililikas mula sa lampas-baywang na baha sa Barangay Luna sa Surigao City. Photo courtesy of the Army's 30th Infantry Division

Isang 5-buwang gulang na sanggol ang kasamang nailikas ng awtoridad mula sa mga binahang bahay sa Surigao City dahil sa pagtama ng bagyong Basyang. 

Martes nang rumesponde at nakipagtulungan ang mga sundalo ng 30th Infantry Brigade ng Philippine Army sa awtoridad para magsagawa ng rescue operation sa Barangay Luna.

Sa litratong nai-upload sa social media, makikitang halos lampas baywang ang baha na sinuong ng awtoridad para maglikas ng ilang pamilya.

Isa sa mga litrato ay kuha habang nakahiga ang sanggol sa isang batya na pinaligiran naman ng mga sundalong nakababad sa baha.

Nauna nang naisakay sa truck ng militar ang ina ng sanggol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.