Maaari bang mabiktima ng sexual harassment ang isang lalaki? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maaari bang mabiktima ng sexual harassment ang isang lalaki?

Maaari bang mabiktima ng sexual harassment ang isang lalaki?

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 20, 2019 07:07 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Maaari ring mabiktima ng 'sexual harassment' ang mga lalaki, ayon sa isang abogado.

"Kahit lalaki ka, pero let's say teacher mo, professor mo, nagkaroon ng pagnanasa sa 'yo, at kapag hindi mo pinagbigyan 'yung kanyang mga desires, ilalagpak ka niya sa grades, 'yan po ay parte ng sexual harassment," paliwanag ni Atty. Claire Castro sa programang Usapang de Campanilla nitong Lunes.

Maaari umanong maharap sa kasong kriminal kung mapatutunayang gumawa ng kalaswaan sa biktima, ayon kay Castro.

Paano mapapatunayan ang sexual harassment?

Pinaliwanag din ni Castro kung paano mapatutunayan sa korte ang sexual harassment na kadalasan ay pribadong nangyayari.

ADVERTISEMENT

"Puwede bang tumindig ang paratang ng sexual harassment sa korte kung ito ay paratang lang at wala man lang ebidensiya?" tanong ng isang texter.

Ayon naman kay Castro, tinitingnan umano ng korte ang kilos at pananalita ng isang saksi at kung may iba ring nabiktima na puwedeng maging saksi.

"Makikita mo 'yung kilos. Kasi kaya po hini-hearing ang kaso ay para makita rin ng judge, ano ba 'yung kilos nitong witness? Papa'no siya magsalita. Nakikita po lahat 'yan," paliwanag ni Castro.

"So kung may pagsisinungaling, 'pag crinoss-examine siya, maiiba yung sagot niya," dagdag pa ni Castro.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.