Inmates sa Manila City Jail, apektado rin sa kakulangan ng NFA rice | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Inmates sa Manila City Jail, apektado rin sa kakulangan ng NFA rice

Inmates sa Manila City Jail, apektado rin sa kakulangan ng NFA rice

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

Nangangamba ngayon ang Manila City Jail dahil sa nagkukulang na sa merkado ang supply ng NFA (National Food Authority) rice na ipinapakain din nila sa kanilang inmates.

Ayon kay Jail Senior Inspector Jayrex Bustinera ng Public Information Office ng Manila City Jail, hanggang ngayong buwan ng Pebrero na lang sasapat ang supply ng kanilang NFA rice.

Wala pa aniya silang balita mula sa NFA Central District Office/Warehouse sa UN Avenue kung may mabibili pa silang bigas para sa susunod na buwan.

Batay sa record ng Manila City Jail, 48.5 na sako ng NFA rice ang nakukunsumo nila kada araw para sa 5,650 na mga preso.

ADVERTISEMENT

Sa loob ng isang buwan, umaabot sa 1,452 na sako ng NFA rice ang kanilang nakukunsumo.

Giit ni Bustinera na kapag nagkataon aniya na kulang o wala talaga silang matatanggap na supply ng NFA rice sa susunod na buwan, mapipilitan silang bumili ng commercial rice.

Ibig sabihin din nito na kailangan nilang tapyasan ang budget para sa ulam ng mga preso.

Sinabi pa ni Bustinera na taun-taon ay nagmamahal ang mga bilihin pero nananatili pa rin sa P60 ang budget sa pagkain ng bawat preso kaya napipilitan na lang silang pagkasyahain ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.