Higit 20 bahay sa GenSan, binaha

Jay Dayupay, ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2018 12:48 AM

Binaha ang higit sa 20 bahay sa Barangay Calumpang, General Santos City Miyerkoles ng hapon dahil sa ulang dala ng isang low-pressure area.

Kuwento ni "Bayan Patroller" Junrey Arevalo, bigla na lang tumaas ang lebel ng tubig sa ilog.

Umapaw ang ilog at pinasok ng baha ang mga kabahayan pasado alas-4 ng hapon.

Apektado din ang ilang residente na nakatira sa gilid ng sapa sa Barangay Fatima at Barangay Labangal.

Agad nagpadala ng rescue teams ang mga barangay.

Pinalikas na rin ang mga residenteng binaha at pansamantalang tumutuloy sa mga evacuation center.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang pagbaha sa ilang barangay sa siyudad ay dulot ng ulang dala ng trough ng LPA.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.