Ginang, nakuhanan ng P500,000 matapos kumagat sa pekeng raffle | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ginang, nakuhanan ng P500,000 matapos kumagat sa pekeng raffle

Ginang, nakuhanan ng P500,000 matapos kumagat sa pekeng raffle

ABS-CBN News

Clipboard

BAGUIO CITY - Laking hinayang ng 57-anyos na ginang na si alyas "Katherine" nang mapagtantong umabot na sa mahigit kalahating milyong piso ang naibibigay sa mga taong tumawag sa kaniya para sabihing nanalo siya sa isang "raffle."

Para raw kasi makuha ang napanalunang P750,000 na cash at insurance nito, hiningan siya ng perang pang-proseso ng mga nagpakilalang nagtatrabaho sa isang ahensiya ng gobyerno.

Kuwento ni Katherine, 2016 pa nang mag-umpisa siyang hingan ng pera ng mga taong nagpapakilala mula sa iba't ibang ahensiyang nakabase umano sa Maynila.

Naniwala raw siya sa pag-asang matutustusan ang pangangailangan ng mga anak para sa kanilang pag-aaral.

"Sunod-sunod sila, apat sila na mag-aaral. Kaya sabi ko, opportunity ko na rin 'to at mabilhan ko rin sila ng pangangailangan nila," ani Katherine.

ADVERTISEMENT

Patunay ang makapal niyang kopya ng mga resibo ng pagpapadala ng pera nang maraming beses.

Enero ngayong taon, napagpasyahan ni Katherine na bawiin na lamang ang mga naipadalang pera pero hindi raw pumayag ang mga katransaksyon.

Tinakot pa raw siya nitong mababaliktad lang ang kaso kung sakaling siya'y magrereklamo sa awtoridad.

Naisipan niyang lumapit sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP- CIDG) sa pag-asang mapanagot ang mga nanloko sa kaniya.

"Nagkakaroon po tayo ng [digital] scam. Kapag may nag-text o nagpapahiwatig na kayo ay nanalo ng large amount na manghihikayat sa receiver na mag-send ng pera nila," ani SPO3 Veronica Villareal ng CIDG Baguio.

Payo nila sa publiko, oras na makatanggap ng text na nagsasabing nanalo sa raffle, huwag ito pansinin lalo na kung wala namang sinalihan.

Kung sakaling may sinalihan man, ipasuri muna sa eksperto ang message. Isa sa mga maaaring lapitan ay ang tanggapan ng National Telecommunications Commission (NTC).

Kapag nabiktima naman, maaaring magtungo sa cybercrime units ng PNP o National Bureau of Investigation.

--Ulat ni Justin Aguilar, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.