Binata, patay matapos barilin ng holdaper sa South Cotabato | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Binata, patay matapos barilin ng holdaper sa South Cotabato

Binata, patay matapos barilin ng holdaper sa South Cotabato

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang binata matapos barilin ng isang holdaper sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Poblacion, Polomolok, South Cotabato Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Errol Aldenese, 23-anyos.

Ayon kay Senior Insp. Ludivico Rendaje Jr. ng Polomok Police Station, nakaupo ang biktima sa labas ng kanilang internet cafe pasado alas-8 ng gabi habang nakikipagtext sa kasintahan nito.

Lumapit bigla ang isang lalaki at nagdeklara ng holdap.

ADVERTISEMENT

Inutusan ang biktima na ibigay ang pera at cellphone nito ngunit itinapon umano ito ni Aldenese sa suspek kaya binaril siya.

Agad umalis ang holdaper sakay ng isang motorsiklo na minamaneho ng kasabwat nito.

Isinugod pa sa pagamutan si Aldenese ngunit binawian ito ng buhay makalipas ang dalawang oras.

Ayon sa tiyuhin ng biktima na si Johnny Ceralde, mabait at aktibo sa simbahan nila si Aldenese.

Kaya hirap silang tanggapin ang nangyari dahil lang sa cellphone.

Iniimbestigahan din ng pulisya kung may kaugnayan ito sa isa pang panghoholdap na naganap sa Barangay Magsaysay, Polomolok, mga 20 minutos lang ang pagitan sa kaso ni Aldenese.

Ninakawan din ng cellphone si Marilyn Fernandez nang dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo.

May mga tao nang iniimbestigahan ang Polomolok Police Station na posibleng may kaugnayan sa dalawang insidente. - ulat ni Francis Canlas, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.