Testigo laban kay Kerwin Espinosa, bumaliktad | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Testigo laban kay Kerwin Espinosa, bumaliktad

Testigo laban kay Kerwin Espinosa, bumaliktad

Ron Lopez,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 26, 2018 02:24 PM PHT

Clipboard

(UPDATED) - Binawi ng isang testigo sa illegal drug case laban kay Kerwin Espinosa ang kanyang testimonya at sinabing napilitan lamang siyang idawit si Espinosa sa kaso.

Sa pagharap sa Manila Regional Trial Court Branch 26 ngayong Biyernes, sinabi ng testigong si Jose Antepuesto sa harap ni Presiding Judge Silvino Pampilo Jr. na walang katotohanan ang kanyang mga paratang kay Espinosa.

Aniya, tinakot lamang siya ng mga pulis na idiin si Espinosa sa illegal drug trade sa Eastern Visayas.

Ayon kay Antepuesto na isang welder at unang naaresto dahil sa pagtutulak ng droga, pumayag lamang siyang pirmahan ang affidavit na nagdadawit kay Espinosa kapalit ng pangako ng mga pulis na hindi siya idadamay sa kaso.

ADVERTISEMENT

Humarap din sa witness stand sa kaso ang testigong si Marcelo Adorco na bodyguard at driver ni Espinosa bagamat hindi ito nagbago ng kanyang pahayag.


Sa panayam sa DZMM, sinabi ni Espinosa na hindi niya inaasahan ang pagbaligtad ni Antipuesto kaya't masaya siya sa nangyari at naniniwalang malaki ang maitutulong nito sa kanilang kaso.

Si Espinosa ay nahaharap sa 3 bilang ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. Siya ay anak ni dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. na napatay sa loob ng kulungan sa sinasabing kaso ng rubout.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.