Magkapatid nagsumbungan; mga tinatagong baril bistado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magkapatid nagsumbungan; mga tinatagong baril bistado

Kim Lorenzo II,
ABS-CBN News
Published Jan 25, 2018 03:57 PM PHT

SARRAT, Ilocos Norte - Arestado ang magkapatid na lalaki matapos parehong makuhanan ng mga baril at bala sa Barangay 22 sa bayan na ito.

Kinilala ang magkapatid na sina Jimmy at Edwin Malaqui, na nagkaroon ng matinding pagtatalong nauwi naman umano sa tutukan ng baril.

Ayon sa pulisya, unang nagsumbong si Jimmy na tinutukan umano siya ng baril ng kapatid. Bumuwelta naman si Edwin at sinumbong sa pulis na may mga baril na itinatago ang kapatid.

“Magkaaway kasi itong magkapatid. Nanutok itong isa at 'yung isa naman marami raw baril,” ani Chief Inspector Roland Suitos, hepe ng pulisya sa Sarrat.

ADVERTISEMENT
Nakuha sa bahay ni Jimmy ang 5 bala ng kalibre .45 at nakuha naman sa bahay ni Edwin ang isang homemade paltik at 3 bala ng M-16 rifle.

Aminado si Jimmy na kanya ang mga baril na nakuha sa bahay niya. Pero si Edwin, todo-tanggi. Aniya bago umano ang raid ay may mga nauna nang pumasok sa kaniyang bahay.

“Pinalabas kami tapos biglang may pumasok na siya di ko lang namukahan. Tapos sasabihing may nakitang bag sa salas ng bahay na may baril at bala. Hindi ko alam yan,” ani Edwin.

Nahaharap ang magkapatid sa kasong ilegal na posesyon ng armas at bala.