ALAMIN: Bakit ayaw lumikas ng ilang residente malapit sa Mayon? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Bakit ayaw lumikas ng ilang residente malapit sa Mayon?

ABS-CBN News
Published Jan 25, 2018 12:07 PM PHT

Tumangging lumikas ang ilang residente sa isang barangay sa Legazpi City na pasok sa 9-kilometer extended danger zone dahil sa mababang antas ng pamumuhay sa mga evacuation center.

Hati ang mga residente ng Barangay Buyuan sa Legazpi City dahil may mga pamilyang piniling lumikas sa Bagumbayan Elementary School habang ang ilan ay nagpaiwan sa kanilang mga bahay.

Ito ay kahit sakop ng danger zone ang kanilang komunidad at may banta ng "mapaminsalang pagsabog" ang Bulkang Mayon.

Kabilang sa mga nagpaiwan ay si Constancia Arao at ang kaniyang mga apo.

ADVERTISEMENT
"Masikip doon sa kuwarto namin, 36 na family," sabi ni Arao sa panayam ng ABS-CBN News.

May nakahanda naman umano silang traysikel sakaling pumutok ang bulkan.

Ayaw namang lumikas ni Helen Moratalla dahil mas gusto niyang bantayan ang kanilang bahay.

"Dito 'yong mga magnanakaw, marami," ani Moratalla. "Kahit manok, 'yong pangsabong, kinukuha pa rin."

Ayon sa mga tauhan ng Legazpi police na nakabantay papasok sa danger zone, pababalikin umano nila ang mga residente.

Sa Bagumbayan Elementary School, siksikan naman sa classroom ang mga pamilyang lumikas mula Barangay Buyuan.

Ang ilan ay piniling matulog sa mga upuan sa labas ng paaralan.

Pinatungan na lang ni Hamdani Hamid ng karton ang upuan para mahigaan.

"Mainit doon sa loob [ng paaralan] eh, masikip pa," ani Hamid.

Nagtayo naman ng tent ang iba habang may mga piniling hindi na lang matulog at magpalipas na lang ng gabi sa evacuation center.

Umabot na sa 72,000 ang mga inilikas sa Albay dahil sa pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Hiling ng mga lumikas sa pamahalaan ay tulungan sila sa mga pangangailangan, lalo na sa pagkain at tubig.

-- Ulat ni Karren Canon, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
Bantay Mayon
Bulkang Mayon
Mayon Volcano
Legazpi City
Albay
evacuees
Umagang Kay Ganda
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT