Pista sa La Union, nais buhayin ang pagluluto sa kawayan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pista sa La Union, nais buhayin ang pagluluto sa kawayan

Melinda Ramo,
ABS-CBN News
Published Jan 24, 2018 08:55 PM PHT

PUGO, La Union - Sari-saring ulam na niluto sa kawayan ang tampok sa ikalawang Tinungbo Festival dito sa bayan na kilala sa tradisyunal na pagluluto gamit ang kawayan.

Ang salitang "tinungbo" ay salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay "magluto ng ulam o kanin gamit ang light bamboo o mga kawayan na kinukuha sa bundok."

Ayon sa mga residente, nagsimula ang kakaibang sistema ng pagluluto dito noong unang panahon matapos makahiligan ng kanilang mga ninuno ang pagkain malapit sa tabing ilog.

Walang mga kagamitang panluto noon katulad ng gasul, kutsara at kaldero kaya’t naisipan nilang gamitin ang mga kawayan para sa pagluluto at gamit pangkain.

Bida sa Tinungbo Festival ngayong taon ang mga putaheng Ilokano na Dinengdeng at Kenemelan. Espesyal din ang mga ulam na broccoli mushroom in creamy sauce, pork sinigang sa ube at ube camote roll.

Giit ng mga taga-Pugo, mas masarap magluto sa kawayan dahil ang natural nitong katas na mayaman sa nutrisyon ay humahalo sa ulam o kanin. Mas mabalis din daw maluto ang pagkain kung gagamit ng kawayan kumpara sa gasul o de-kuryenteng saingan.

“All the barangays presented good food and they cooked quite well with banana leaves and bamboo,” ani Rose, isang turista na galing sa Canada.

Layon ng mga taga-Pugo na taon-taon idaos ang pista upang mas mapahalagahan at mapagyaman ang kasaysayan at katutubong kultura ng kanilang bayan.