Mag-iina, namatay dahil umano sa kapabayaan ng ospital | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mag-iina, namatay dahil umano sa kapabayaan ng ospital

Martian Muyco,
ABS-CBN News
Published Jan 23, 2017 09:28 PM PHT

BACOLOD CITY - Inireklamo ang isang ospital sa Bacolod matapos mamatay ang isang 21 taong gulang na ina at ang kambal na anak nito dahil umano sa kapabayaan ng staff ng pagamutan.

Ayon sa pamilya ni Mary Joy Geronca Yulo, pinabayaan siya ng staff ng Corazon Locsin Montelibano Memorial Hospital, bagay na mariing itinanggi naman ng pamunuan ng ospital.

Ayon sa kaanak ni Yulo, Pebrero pa sana siya inaasahang manganak pero nagtungo sila sa ospital noong Enero 16 dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Joshua Canete, pumila pa sila at naghintay ng halos 30 minuto sa emergency room bago sila pinatawag.

Dagdag ni Canete, laking gulat niya nang nakitang nire-revive na ng mga doktor at nurse si Yulo. Masama ang loob niya dahil walang naisalba sa kanyang mag-iina. Ayon sa kanya, hindi man lamang sila pinapili kung sino sa ina o kambal na anak nila ang bubuhayin.

Ayon pa kay Canete, mas magiging maluwag umano sa loob niya kung nakita niyang ginawa ng mga doktor ang lahat ng kanilang magagawa para mailigtas ang kanyang mag-iina pero hindi raw ito nangyari.

Ayon naman kay Dr. Julius Drilon, ang medical chief ng ospital, ginawa nila ang lahat para buhayin ang mag-iina at lahat ng ito ay nakadokumento.

Disyembre nang unang pumunta sa ospital si Yulo para magpakonsulta. Pinayuhan umano siyang magpa-admit sa ospital dahil delikado ang kanyang pagbubuntis ngunit hindi na ito bumalik.

Nang bumalik siya noong Enero 16, delikado na raw ang sitwasyon nito.

Magsasampa ng reklamo ang pamilya ng biktima sa National Bureau of Investigation.