Pederalismo, mas may negatibong epekto sa mahihirap? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pederalismo, mas may negatibong epekto sa mahihirap?

Pederalismo, mas may negatibong epekto sa mahihirap?

ABS-CBN News

Clipboard

Nagbabala ang IBON Foundation na maaari umanong lalo lang maghirap ang mahihirap dahil sa isinusulong na pederalismo.

Sa tingin ng IBON Foundation, magkukumpetensiya ang mga estado o rehiyon para makaakit ng mga negosyo kapag natuloy ang pederalismo.

Maaari anilang maging resulta nito ang lalong mababang suweldo ng mga manggagawa habang mas maraming ganansiya ang mga negosyante.

“Sa ilalim ng federalism kasi gagawin iyong batayan ng mga rehiyon para hikayatin ang mga kompanya mag-locate sa kanila," ayon kay Jose Enrique Africa, executive director ng IBON Foundation.

Puna pa ni Africa, tinatanggal ng panukalang amyenda ang mga proteksiyon sa maliliit na sektor at pagtataguyod sa mga pambansang industriya.

ADVERTISEMENT

Sa pagdinig noong Martes sa Kamara, isinumite ang panukalang baguhin o kung hindi man ay tanggalin ang ilang probisyon sa ekonomiya at social justice and human rights kasama na ang pag-alis sa limit sa mga dayuhan sa investments at pagmamayari ng lupa.

Kampanya para sa pederalismo

Pero sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Iloilo nitong Huwebes na pederalismo ang susi para mas matutukan ang pagpapaunlad sa mga probinsiya.

Ito ay dahil maiiwan din sa mga probinsiya ang karamihan ng pondo nila at maliit na porsiyento lang ang kailangang ibigay sa Maynila.

"Ayaw nila na palitan itong sistema na ito dahil hanggang ngayon, ang gusto nila, kontrolin ang mga probinsiya, ang mga regions. Ang gusto ng mga leaders sa Manila, sila ang magsasabi kung uunlad tayo o hindi," ani Alvarez.

Kaya naman nanawagan rin si Alvarez na huwag iboto ang mga senador na kontra pederalismo.

“Kaya tandaan niyo, ‘yung mga senador na ayaw ng federalism, ibig sabihin, ayaw nilang umasenso ‘yung mga probinsiya at saka mga regions. Huwag niyong iboto 'yan," aniya.

Sagot naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, handa silang magpaliwanag sa taongbayan hinggil sa pananaw sa pederalismo.

"The issue at this point is the brazen move of the House to impose and railroad "cha-cha" (charter change) without public debate and participation. But having said that, the senators are willing to face the people on their stand on federalism," aniya.

Dagdag pa niya, ang pambabraso sa charter change sa Kamara ang talagang isyu rito.

Pero sagot ng mga lider ng Kamara, Oktubre 2016 pa nila ito pinag-uusapan.

Ayon pa kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, ilang beses itong pinag-usapan sa komite mula pa noong Nobyembre 2016 bago pinagbotohan sa plenaryo noong Martes.

May mga idinaos ding public consultation sa Dagupan, Davao, Tacloban, at Bacolod.

Ayon kay Alvarez, kaya nilang mabuo ang 3/4 vote sa constituent assembly kahit walang Senado.

Sa kabila nito, handa umano ang Kamara na makipag-usap sa Senado tungkol sa charter change.

Tiniyak din ni Alvarez na mabibiyayaan ang mga kakampi sa kanila.

"Siyempre, ‘yung ibang probinsiya ayaw nilang makisama, o 'di zero sa budget. Ayaw ko din, hindi ba? Alangan namang kayo kasama, ‘yung leaders nila ayaw sumama. Alangan namang pantay?” ani Alvarez.

Umanib na nitong Huwebes sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang libo-libong kasapi ng Liberal Party sa Iloilo.

-- Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.