Reelection ng pangulo, pag-alis ng 'love,' isinusulong sa bagong Konstitusyon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Reelection ng pangulo, pag-alis ng 'love,' isinusulong sa bagong Konstitusyon

ABS-CBN News
Published Jan 16, 2018 11:46 PM PHT

Inadopt na ng Kamara ang resolusyong naglalayong i-convene ang Kongreso bilang isang constituent assembly (con-ass) na magpapanukala ng mga amiyenda o susog sa Saligang Batas ng 1987.

Pinasadahan na ng House committee on constitutional amendments ang mga panukala ng subcommittee.

Isa sa mga ipinapanukala sa Kamara na gawin ang halalan 2019 kapag tuluyan nang nagkaroon ng charter change (cha-cha) na target aprubahan sa isang plebisito.

Isasabay ang plebisito sa halalan ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa Mayo.
Isasabay ang plebisito sa halalan ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa Mayo.
ADVERTISEMENT
Puwede ring maantala ang barangay at SK elections at isasabay na lang ito sa plebisito ng cha-cha, kung kailanman ito maihanda.

"As much as possible, we can implement the transitory provision, transition period, without affecting the 2019 elections," ani Southern Leyte Rep. Roger Mercado, chairman ng House committee on Constitutional amendments.

Nakapaloob sa panukala na may 12 senador na halal ng buong bansa, 3 dagdag na senador bawat bagong state o rehiyon, at mga miyembro ng bagong federal assembly na papalit sa Kamara.

Kasama pa sa panukala ng Kamara ang pagpapalit sa federal form of government na may limang estado--Luzon, Visayas, Mindanao, National Capital Region, at Bangsamoro.

Magkakaroon din ng parliament na may dalawang kapulungan.

May presidente pa rin na maaring maupo ng maximum ng dalawang tig-limang taong termino.

May oversight o pagpapatnubay sa lahat ng sangay ng gobyerno ang presidente.

Pero prime minister ang magmamando sa gobyerno.

Tatanggalin na rin ang limits sa foreign investments.

Lilimitahan ang kapangyarihan ng Korte Suprema at magkakaron ng regional court of appeals.

Nais din ng mababang kapulungan na baguhin ang Bill of Rights para tiyaking responsable ang paggamit sa kalayaan sa pagsasalita at pamamahayag.

"There is so much abuse of this freedom, they think that it is unrestrained," ani House Deputy Speaker Fredenil Castro.

Pero tinuligsa agad ito ng oposisyon sa Kamara.

"The kind of press freedom that they're enjoying right now? 'Yong mga fake news at propaganda?" sabi ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano. "Kapag sinabi mo 'responsible,' pabor sa kanila."

Hindi rin naniniwala ang oposisyon sa mas maikling transition period at pangako ni pangulong Rodrigo Duterte na hindi magtatagal sa puwesto.

"Can we trust this administration to say that the president is going to step down pagka napasa na 'yong federal constitution? I don't think so," giit ni Alejano.

Isa pang isinusulong na pagbabago sa Konstitusyon ang pag-alis ng "love" sa Saligang Batas, partikular na ang pagbanggit nito sa Preamble.

The House is proposing to delete "love" in the preamble of the new constitution. "Love" is in the current preamble. pic.twitter.com/RLYXSziiKe
— RG Cruz ABS-CBN News (@1rgcruz) January 16, 2018

Target ipaapruba ang mga panukala sa con-ass bago matapos ang Marso. -- Ulat ni RG Cruz ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
RG Cruz
balita
politika
prime minister
Kamara
Saligang Batas
Konstitusyon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT