TINGNAN: Catanduanes, Northern Samar binaha dulot ng walang tigil na ulan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Catanduanes, Northern Samar binaha dulot ng walang tigil na ulan

TINGNAN: Catanduanes, Northern Samar binaha dulot ng walang tigil na ulan

ABS-CBN News

Clipboard

Binaha ang ilang parte ng Catanduanes at Northern Samar nitong Sabado dulot ng walang humpay na ulan na dala ng tail end of a cold front, ayon sa PAGASA.

Binaha ang isang classroom sa Cabuyoan Elementary School sa Catanduanes, Sabado ng hapon. Kuha ni Bayan Patroller Ana Marie Ogena

Pinasok ng tubig baha ang isa sa mga classroom ng Cabuyoan Elementary School sa Panganiban, Catanduanes.

Wala umanong tubig sa paaralan sa kasalukuyan kaya't gustuhin mang maglinis ay hindi pa ito magawa ng mga guro. Humupa na ang baha at tanging ambon na lang ang nararanasan sa lugar.

Binaha ang isang barangay sa bayan ng Lope de Vega, Northern Samar Sabado. Kuha ni Bayan Patroller Jerry Casaljay

Sa Brgy. Poblacion, Lope de Vega, Northern Samar naman, walang tigil ang ulan sa lugar mula Biyernes ng gabi kaya't umapaw na ang ilog na malapit sa barangay.

ADVERTISEMENT

Makikita sa video na hinihila na ng fire truck ang isang delivery truck dahil tumirik ito dahil sa baha. Gumamit na rin ng bangka ang ilang mga residente para makadaan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kuha ni Bayan Patroller Jerry Casaljay

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.