'Hatchback,' maliliit na kotseng pang-Uber, Grab, planong ipagbawal ng LTFRB | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Hatchback,' maliliit na kotseng pang-Uber, Grab, planong ipagbawal ng LTFRB

ABS-CBN News
Published Jan 14, 2018 08:35 PM PHT
|
Updated Apr 24, 2019 04:06 PM PHT

Planong ipagbawal na ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) ang mga hatchback at compact o maliliit na kotse sa pagiging transport network vehicle service (TNVS) unit.

Kinumpirma ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada ang planong alisin ang accreditation ng mga hatchback o mga hindi "2000-cc rated."

Para aniya ito sa kaligtasan ng mga pasahero.

"Mayroon po tayong standard na sinusunod para sa mga sasakyan, ito ay 'yong sedan, as long as makapasok sa 2000-cc rated," paliwanag ni Lizada. "For safety regulations, ito 'yong mga technical requirement po na kinakailangan at ito ho ang sinusunod ng mga taxi."

ADVERTISEMENT
Ngayon pa lang, umaalma na sa social media ang ilang driver at operator na apektado sa planong ito ng LTFRB.

May ilang nagsasabing hindi ito patas at hindi rin makatarungan.

Kabilang sa mga kabado at problemado ang TNVS driver ng Uber na si Larry Calibara.

Kinausap na raw kasi siya ng pamunuan ng Uber na aalisan ng accreditation ang hatchback, compact cars o maliliit na kotse, kabilang ang minamaneho niyang sasakyan.

Ayon kay Calibara, hindi pa siya tapos maghulog sa kotse at 'di niya kakayaning kumuha ng bagong imamaneho.

"Nagkaroon ng malaking problema, number one nga 'yung binabayaran kong monthly 'yan. Kapag gano'n ang plano ng LTFRB... di ko mabayaran 'yan," ani Calibara.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang Uber at Grab kung ilan ang apektadong operators at drivers.

Hinihintay pa raw kasi nila ang pinal na kautusan ng LTFRB.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Weekend
TV Patrol Top
balita
pasada
pasahero
motorista
biyahe
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT