Ilang residente sa Bicol, lumikas dahil sa biglang pagbaha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang residente sa Bicol, lumikas dahil sa biglang pagbaha

ABS-CBN News
Published Jan 12, 2018 11:54 AM PHT

NAGA CITY - Lumikas mula sa kani-kanilang mga bahay ang ilang residente dito sa lungsod dahil sa pagtaas ng baha na dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan, Biyernes.

Binitbit na ng mga residente ang kanilang mga damit, ilang kasangkapan sa bahay, at maging mga alagang aso bago pa mas tumaas ang bahang hanggang binti sa Magsaysay Avenue at iba pang mababang bahagi ng lungsod.

Sinuspinde na ang klase sa lahat ng antas dito sa lungsod.

Sa Camarines Sur naman, suspendido na rin ang klase mula kinder hanggang kolehiyo dahil sa patuloy na pagbaha sa iba't ibang bahagi ng probinsya.

Sa bayan ng Magarao, gumamit na ng mga maliliit na bangka ang mga rescuer upang mailikas ang mga residente dahil umabot na halos hanggang dibdib ang baha.

Hindi na rin makatawid sa isang tulay ang mga papunta sa Caramoan dahil lubog na ito sa baha.

Ayon sa PAGASA, bunsod ng tail-end of a cold front ang tuloy-tuloy na pag-ulan na nararanasan sa iba't ibang bahagi ng Bicol.

- ulat mula kina Mylce Mella at Gerard Lorbes, ABS-CBN News.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT