Ilang bahay na nasalanta ng bagyong Vinta sa Davao, lubog pa rin sa putik | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang bahay na nasalanta ng bagyong Vinta sa Davao, lubog pa rin sa putik

Paul Palacio,
ABS-CBN News
Published Jan 12, 2018 08:15 AM PHT

DAVAO CITY - Nangangamba para sa kanilang kalusugan ang mga residente sa Barangay 76-A dahil 3 linggo na silang nagtitiis sa mabahong tubig baha na wala nang madaluyan dahil sa makakapal na putik na nakabara sa mga kanal.

Ayon sa mga barangay official, ang makakapal na putik ay dala ng baha matapos umapaw ang Davao River noong kasagsagan ng bagyong Vinta noong Disyembre.

Sinubukan na umano ng mga residente na pagtulung-tulungang alisin ang putik pero sumuko na sila dahil sa kapal nito.

Nagpasaklolo na ang barangay sa lokal na pamahalaan para gamitin ang vactor trucks pero ginagamit pa umano ang mga ito sa ibang barangay na lumubog din sa baha.

Gumawa muna ang mga residente ng mga pansamantalang tulay na gawa sa kahoy at hollow blocks upang maiwasan ang paglalakad sa putik.