'Binayarang pumatay,' kumanta: Kagawad pinatay dahil sa droga | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Binayarang pumatay,' kumanta: Kagawad pinatay dahil sa droga

ABS-CBN News
Published Jan 12, 2018 11:36 PM PHT
|
Updated May 02, 2019 04:08 PM PHT

Ikinanta ng isang hired killer ang isang drug lord na nakakulong sa New Bilibid Prisonna nag-uutos umano sa kaniya na pumatay ng mga sangkot sa droga.

Kinilala ang hired killer bilang si Patrick Arranchado, alyas "Sonny Boy," na nahuli ng Moriones police sa Tondo, Maynila noong Enero 7.

Dawit si Arranchado sa pagpatay sa barangay kagawad na si Ana Patricia Faustino Regular.

Nahagip pa ng CCTV ang pagpatay ng grupo nina Arranchado sa kagawad noong Disyembre 29, alas-siyete ng gabi.
Nahagip pa ng CCTV ang pagpatay ng grupo nina Arranchado sa kagawad noong Disyembre 29, alas-siyete ng gabi.
ADVERTISEMENT
Limang beses pinaputukan ng kasamahan ni Arranchado ang kagawad sa loob mismo ng barangay hall.

Bukod sa kagawad, inamin din ni Arranchado na sila ang namaril sa lalaking si Randy Flores, na sugatan dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Arranchado, isang drug lord umano sa Bilibid ang nag-utos sa kanilang pumatay dahil hindi umano nagbabayad ang mga biktima sa droga na ipinapadala sa kanila.

Batay sa cellphone na nakuha sa suspek, marami pa silang target kabilang ang tatlong pulis-Maynila na sagabal din sa kalakaran ng droga.

Ayon naman kay Arranchado, 10 pa ang target nilang patumbahin ng mga kasamahan.

Dagdag pa ng suspek, tatlong grupo o 15 silang kinuha na pumatay.

Nasa P30,000 ang nakukuha nila sa bawat patay at P15,000 kapag tinamaan lang at nabuhay.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
drug lord
war on drugs
droga
giyera kontra droga
Manila
Manila police
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT