Wanted sa Korea: Factory worker na P60,000 ang buwanang sahod | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Wanted sa Korea: Factory worker na P60,000 ang buwanang sahod

Wanted sa Korea: Factory worker na P60,000 ang buwanang sahod

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Libo-libong factory workers ang inaasahang kakailanganin sa bansang South Korea.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), bahagi ito ng quota na ibinibigay nila sa mga sending countries gaya ng Pilipinas taon-taon.

"Five thousand pataas 'yung binibigay sa ating quota ng Korea. Sa factory workers, ito 'yung sa electronics, textile, chemical, saka sa food," ayon kay POEA Deputy Administrator Jocelyn Sanchez.

Nasa P60,000 o $1,200 ang basic pay ng mga factory worker sa South Korea.

Pero para makapag-apply, kailangang munang mag-register sa POEA website dahil ang mga naka-register lang ang bibigyan ng schedule para sa Korean language exam.

ADVERTISEMENT

Isasailalim din sa skills test ang mga papasa sa Korean language exam.

Kapag pumasa muli sa skills test, sasailalim naman sa medical exam.

Kapag physically fit, ipo-forward ang profile sa employer at magkakaroon ng selection.

Ayon sa POEA, mainam kung may work experience na pero tinatanggapin kahit ang mga wala pa basta't makapasa sa language test.

"Paghahandaan niyo 'yung Korean language, 'yung basic. Nakakapasa naman 'yung mga worker kahit self-study 'to. Plus factor din kung may work experience ka," ani Sanchez.

Nagbabala naman ang POEA na huwag maniwala sa mga pribadong grupong nag-aalok ng training o seminar na ginagamit pa ang mga interview ng ahensiya sa mga broadcast media.

Dapat anila ay magkonsulta muna sa POEA tungkol sa mga job opening para malaman ang tamang proseso.

Simula 2004, umabot na sa mahigit 54,000 ang na-deploy na factory workers ng Pilipinas sa bansang South Korea.

Pero muling paalala ng POEA, lahat ng ito ay government-to-government ang proseso kaya sa POEA dadaan lahat ng application at orientation at walang babayarang placement fee bagama't gagastos sa processing fee.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.