TINGNAN: Modernong bus, may Wi-Fi, GPS, CCTV | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Modernong bus, may Wi-Fi, GPS, CCTV

ABS-CBN News
Published Jan 05, 2018 10:24 PM PHT

Ibinida ng Department of Transportation (DOTr) ang modernong bus na planong ipalit sa mga lumang unit na patuloy na bumibiyahe sa lansangan.

Malinis, may Wi-Fi, GPS, at CCTV ang modernong bus na isinusulong ng gobyerno na ipalit sa mga luma at kakarag-karag na bus bilang bahagi ng kanilang modernization program.

“Utos nga ng ating Presidente na immediately ngayong Enero dapat simulan na 'yung pagtatanggal ng bulok na sasakyan, na kasama po sa modernization program ng ating gobyerno sa public transport,” ayon kay DOTr undersecretary Thomas Orbos.

Euro 5 na rin ang makina ng bagong bus, mas mataas sa requirement ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na Euro 4.

Pero nagkakahalaga ito ng P8 hanggang 10 milyon.

Bukas naman ang ilang bus operators sa pagbabagong ito at may mga nagsimula na ring bumili ng mga bagong bus lalo na’t patok ito sa mga pasahero.
Samantala, inaayos na ng Land Transportation Office ang lumang inspection area para sa mas maayos na pag-inspeksyon sa mga sasakyan.

Kapag makumpleto ang bagong inspection area, puwede nang i-check ang speedometer, brake system, headlights at iba pang parte ng sasakyan kumpara sa dati na smoke emission lang ang nasusukat.

Inaasahang mabibili at magagamit na ang mga bagong inspection units sa susunod na mga buwan.

Paiigtingin din nila ang paghuli sa mga bulok na sasakyan sa susunod na linggo.

-- Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT