'Code white', itataas sa mga ospital sa Maynila para sa Traslacion 2018 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Code white', itataas sa mga ospital sa Maynila para sa Traslacion 2018

'Code white', itataas sa mga ospital sa Maynila para sa Traslacion 2018

ABS-CBN News

Clipboard

Itataas ng Department of Health (DOH) simula Enero 8 ang code white alert sa lahat ng ospital sa Maynila kasabay ng pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno sa lungsod.

Ayon kay Patrick Co ng DOH-National Capital Regional, paiigtingin ng ahensiya ang paghahanda ng bawat ospital sa Maynila para sa mga debotong makikiisa sa Traslacion na mangangailangan ng serbisyong medikal.

Sa ilalim ng code white, hindi papayagang lumiban ang lahat ng tauhan ng ospital, lalo na ang mga nakatalaga sa emergency rooms.

Libre naman umano ang pagpapagamot para sa mga taga-Maynila.

ADVERTISEMENT

Nagpaalala ang DOH sa mga dadalo sa pagdiriwang na huwag nang magsama ng bata.

Hindi na rin pinapayuhan ang mga buntis at may sakit na makisabay sa prusisyon.

Samantala, ipatutupad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang blue alert sa Enero 9, mismong araw ng Traslacion.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, magdamag na babantayan ng mga katuwang na ahensiya ng NDRRMC ang okasyon para sa mabilis na pag-ayuda sa anumang hindi inaasahang kagipitan.

Kabilang dito ang Armed Forces of the Philippines at Department of Public Works and Highways.

Ilalagay naman sa red alert status ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office.

-- Ulat nina Raya Capulong at Henry Atuelan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.