P200,000 halaga ng ilegal na paputok binomba ng tubig sa Laguna | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P200,000 halaga ng ilegal na paputok binomba ng tubig sa Laguna

P200,000 halaga ng ilegal na paputok binomba ng tubig sa Laguna

Mariz Laksamana,

ABS-CBN News

Clipboard

STA. ROSA CITY - Hindi bababa sa P200,000 na halaga ng mga nakumpiskang ilegal na paputok ang sabay-sabay na sinira sa harap ng city hall dito, Miyerkoles.

Binomba ng tubig ang mga kuwitis, plapla, at iba pang ipinagbabawal na paputok na nakumpiska ng mga pulis, bombero, at iba pang lokal na opisyal ilang araw bago sumapit ang bagong taon.

"Marami po dito mga defective. Kaya po napuputukan 'yung iba (kasi) kung saan-saan po 'yan (binibili), sa mga hindi po authorized dealers na wala pong lisensiya," ani Supt. Harold Depositar, hepe ng Sta. Rosa Police.

Bumaba rin sa 12 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa pagsalubong ng 2018, kumpara noong nakaraang taon kung saan nakapagtala ng 40 firecracker-related injuries ang lungsod, dagdag ni Depositar.

ADVERTISEMENT

"That's more than 75 percent na bumaba tayo sa injuries," ani Depositar.

Target ng lokal na pamahalaan na makapagtala ng zero casualties at fire-cracker related incidents sa susunod na pagsalubong ng bagong taon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.