19-anyos, hinalay habang karga ang sanggol | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
19-anyos, hinalay habang karga ang sanggol

Kate Delovieres,
ABS-CBN News
Published Jun 09, 2016 08:12 PM PHT
|
Updated Jun 09, 2016 09:59 PM PHT

MINALABAC, CAMARINES SUR - Naiiyak sa galit ang isang 19-anyos na babae habang ikinikwento ang mapait na sinapit sa kamay ng tiyuhin ng kaniyang live-in partner.

Pinagsamantalahan siya nito habang karga-karga pa niya umano ang kanyang pitong-buwang sanggol.

Mag-aalas 12 ng hatinggabi ng pasukin umano sila ng suspek. Nagising na lamang siya na may humihimas sa kaniyang kanang binti.

Nakilala niya ang lalaki na si Allan Jarabejo, 33-taong gulang, na tiyuhin ng kaniyang live-in partner.
Nakilala niya ang lalaki na si Allan Jarabejo, 33-taong gulang, na tiyuhin ng kaniyang live-in partner.
ADVERTISEMENT
Sa kabila ng kaniyang pagmamakaawa sa suspek, itinuloy pa rin nito ang kaniyang masamang balak sa biktima.

"Pinilit niya ako, tapos sabi niya, sige na matagal na kitang gusto tapos hinalik-halikan niya ako dito, dito sa labi hinalik-halikan niya ako. sisigaw na sana ako, tinakpan niya bunganga ko, sabi niya, huwag kang maingay babarilin kita sabi niya."

Nasa trabaho noon ang kaniyang live-in partner at tanging ang dalawa niyang anak ang kaniyang kasama.

Karga-karga niya pa umano ang kanyang sanggol habang isinasagawa ng suspek ang krimen.

Kinaumagahan, sa tulong din ng kaniyang kaibigan, nakahingi ng tulong ang biktima sa Women and Children's Desk ng Minalabac police.

Tuluyan ng nakasuhan ng rape ang suspek Huwebes ng umaga.

Hindi itinanggi ng suspek ang nagawang krimen at lasing umano siya ng mangyari ito kaya nagsisisi siya.

Ito na ang pangalawang kaso ng rape ngayong taon na hinahawakan ng pulisya sa lugar.