Dear President Digong: Mga hiling para sa DOH | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dear President Digong: Mga hiling para sa DOH

Dear President Digong: Mga hiling para sa DOH

Pia Regalado,

ABS-CBN News

Clipboard

Naging mapayapa ang paglilipat ng kapangyarihan bilang Pangulo ng bansa sa pagitan ni dating Pangulong Noynoy at ngayo'y Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay nito ang paglipat ng kapangyarihan ng mga papaaalis na gabinete ni Aquino na siyang mapupunta naman sa mga napiling miyembro ng gabinete ni Duterte.

Bagama't pagbabago ang ipinagmamalaki ng Duterte administration, nanawagan naman ang isang doktor na mapanatili ang ilang programa ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng Aquino administration sa susunod na administrasyon.

Sa programang "Magandang Gabi Dok" sa DZMM, inisa-isa ni Dr. Tony Leachon, independent director ng PhilHealth at presidente ng Philippine College of Physicians Foundation, ang ilang programa ng DOH na sa tingin nito ay dapat ipagpatuloy ni Dr. Paulyn Jean Rosell Ubial bilang bagong kalihim ng nasabing kagawaran.

ADVERTISEMENT

1. Universal Health Care (UHC)

Ang UHC o Kalusugang Pangkalahatan (KP) ay ang probisyon sa bawat Pilipino sa pinakamataas na kalidad ng health care kabilang na ang health human resources, health facilities, at health financing.

2. Reproductive Health Bill

Sa panayam kay Ubial bago ito iluklok bilang DOH secretary, sinabi nito na inaaral na ang mas pinaigting na implementasyon ng reproductive health law.

3. Pagpapalawig ng PhilHealth insurance

Banggit ni Leachon, maaari pang ayusin ang pagpapalawig ng benepisyo sa PhilHealth para aabot sa mas nangangailangan ang ayuda.

"'Pag poor ka at minimum wage ka lang, wala kang out of pocket expenses, 57% 'yun eh so ang nagbe-benefit ang middle class at upper class rahter than the poor."

4. Sin tax law sa sigarilyo at alkohol

Ani Leachon, "dahil sa sin tax law, ang beneficiary niyan 'yung talagang mahihirap na pamilya sa Pilipinas kasi ito 'yung tinatawag na 'nasa laylayan ng lipunan' which is about 20 million."

Samantala, inisa-isa rin ni Leachon ang mga bagong programa na nabanggit umanong gagawin sa administrasyong Duterte kabilang na ang:

Una nang sinabi ni Finance Secretary Carlos "Sonny" Dominguez na pinag-iisipan na ang pagpataw ng karagdagang buwis para sa junk food para mabawasan na ang pagkain nito lalo't nakakasama ito sa kalusugan.

2. Paggaya ng Cuban health care system

Banggit ni Leachon, nasabi umano ng Pangulong Duterte na ipapadala niya si Ubial sa Cuba upang aralin ang sistema doon ng health care kung saan tila nakuha na ang timpla ng maayos na "welfare system."

Una nang pinuri ng World Health Organization (WHO) ang sistema ng Cuba pagdating sa usaping pangkalusugan dahil sa dami ng kanilang mga doktor at ipinagmamalaking "preventive health care" kung saan may isang doktor na nagmo-monitor sa kada 125 katao, may sakit man o wala.

Ayon sa doktor, sa bansa ay may isang doktor sa kada 20,000 katao.

"The system of health care ng Cuba is better than US or other countries because ang important sa kanila, human resources," aniya.

3. Pagkakaroon ng mas mahusay na primary care kung saan may nurses at doktor kahit sa pinakamaliliit na barangay

Paliwanag ni Leachon, para magaya ng bansa ang sistema ng health care ng Cuba ay kailangan pa ng mas maraming doktor sa bansa na tututok maging sa pinakamaliliit na barangay.

Ani Leachon, hindi magkakaroon ng maraming doktor at nurses sa bansa kung hindi nila nakukuha ang sahod na sapat para sa kanila.

Paliwanag nito, "we have a health human resource crisis. We are the number one exporter ng nurses abroad sa buong mundo for nurses, number two tayong exporters ng doctor next to India."

Sa kabila ng maraming espesyalista sa bansa, "ang reason is lack of opportunities na mag-practice dito kasi mababa ang salary particularly in the countryside so dapat 'yun pagtuunan ng pansin."

Samantala, nasa 50% ng mga doktor ay sa National Capital Region (NCR) nagpa-practice dahil inaayawan ang liit ng sahod sa maliliit na probinsya.

Kung aniya mabibigyan ng mas mataas na sahod ang mga ito ay hindi na sila lalabas ng bansa.

5. Magkaroon ng inter-agency effort sa gobyerno

Aniya, hindi lang DOH ang may papel para mas humusay ang health care sa bansa.

Sabi nito, gayahin ang sistema sa ibang bansa tulad ng Singapore kung saan bawal magkalat na makakatulong din sa public health ng mga mamamayan dahil sa maayos na waste disposal.

Dapat makipag-ugnayan din ang DOH sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para makapaglagay ng mas maraming bike at walk lanes.

Ipinanawagan din nito ang kooperasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa DOH na siguraduhing may "smoke-free" itong lugar. Maaari ring magkaroon ang mga kumpanya ng gym o "healthy" menu.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.