30-day ban ng DFA sa no-show passport applicants, nagsimula na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
30-day ban ng DFA sa no-show passport applicants, nagsimula na

DJ Arcon
Published Jun 01, 2016 03:14 PM PHT

Nagsimula na ang 30-day ban ng Department of Foreign Affairs para sa mga no-show online passport applicants.

Ayon kay Asec. Charles Jose, tagapagsalita ng DFA, malaki ang maitutulong ng bagong patakarang ito upang mapabilis ang pagkuha ng pasaporte ng ibang aplikante.

"Under ng bago naming measure, may bago po kaming ilalagay na reservation system na puwedeng i-keep touch 'yung mga hindi dumadating sa kanilang appointment," paliwanag ni Asec. Jose.

Giit niya, nasa 47 porsyento o halos 800 na aplikante ang hindi dumarating sa itinakdang araw ng pag-a-apply ng kanilang pasaporte.

"Malilibre ang maraming slots. Mapapaaga na 'yung makukuha nilang appointment online dahil nga po 800 ang mapi-free-up po natin," ayon sa tagapagsalita.

"In addition, nagdagdag kami ng 50 slots everyday starting today," dagdag ni Asec. Jose patungkol sa solusyon sa mahabang pila ng mga aplikante.

May kabuuang kapasidad na 15,000 hanggang 17,000 ang e-passport system ng DFA sa isang araw para sa mga Pilipinong aplikante sa loob at labas ng bansa.

Ang kapasidad ng tanggapan ng DFA sa Aseana ay nasa 2,400 habang nasa 250 hanggang 500 naman ang kapasidad ng mga regional at satellite offices nito.