Mga sanhi ng pagkabaog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga sanhi ng pagkabaog

Mga sanhi ng pagkabaog

Ker Oliva,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 14, 2016 01:37 PM PHT

Clipboard

Minsan, sa kabila ng pagiging sabik at pagiging handa ng mag-asawa na maging magulang, hindi sila nabibiyayaan ng supling.

Ayon kay Dra. Lulu Marquez, ang kabiguang magdalang-tao sa kabila ng "frequent unprotected sex for at least a year" ay isang senyales ng pagkabaog ng isa o parehas na mag-asawa.

"For some couples, infertility can be present from birth or something can go wrong along the way that results in infertility," ani Dra. Marquez.

Maaari din naman aniyang may kombinasyon ng iba't ibang bagay ang magdulot ng pagkabaog.

ADVERTISEMENT

Mga sanhi ng pagkabaog sa kalalakihan

Ani Dra. Marquez, isa sa mga dahilan ng pagkabaog ng lalaki ang abnormal sperm morphology.

"Ang sperm, dapat may head, may leeg, may buntot. Parang butete. Pero may mga sperm na maliit ang leeg, dalawa ulo, dalawa buntot," paliwanag nito.

Kapag abnormal ang morpolohiya ng sperm, hindi umano ito makalalangoy nang mabuti at mamamatay habang papunta sa egg cell.

Babala ng doktora, nagdudulot ng abnormalidad ng sperm ang paninigarilyo.

Isa ring sanhi ang pagiging ng mababa ng sperm count.

"Kung ang sperm [count] niya ay 20 million and below, the chances are hindi siya makakabuntis. It has to be 20 million and above."

Karaniwan aniyang naglalabas ng 5 milliliters ng sperm ang lalaki. Ang bawat milliliter ay may taglay na 20 milyong sperm.

"Ganoon dapat iyon para allowable ang pagkakaroon ng pregnancy."

Paglilinaw naman ng doktora, "'Yung buong ejaculate, hindi lahat 'yun ay sperm."

Ito aniya ay dahil kailangan ng sperm ng seminal fluid kung saan ito lalangoy.

Maaari din umanong maging sanhi ang premature ejaculation at retrograde ejaculation.

Ilan pa sa mga sanhi ang pagbabara sa testicles, vasectomy, at labis na exposure sa mga kemikal at toxin tulad ng sigarilyo, pestisidyo, radyasyon, alak, marijuana, at steroid.

Mga sanhi ng pagkabaog sa kababaihan

Pangunahing sanhi ng pagkabaog sa babae ang problema sa obulasyon.

Paliwanag ni Dra. Marquez, ang obulasyon ay ang proseso ng buwan-buwang pagkakaroon ng matured egg ang babae.

"Ang babae ay nangingitlog buwan-buwan. Ang babae ay maraming itlog sa left and right ovaries niya, super dami. Every month, nagkakaroon ng matured eggs, nag-oovulate, puwedeng magkaroon ng fertilization."

Kaya naman "kapag di nag-ovulate si misis, hindi magkaka-fertilization."

Maaari ding maging sanhi ng pagkabaog ang uterine o cervical abnormalities tulad ng problema sa kuwelyo ng matres, kakulangan ng cervical mucus, o pagkakaroon ng tumor sa uterine wall.

Nagdudulot din ng pagkabaog ang endometriosis o ang pagtubo ng endometrial tissue sa labas ng matres.

Ilan pa sa mga binanggit na sanhi ng pagkabaog ay ang early menopause, impeksiyon sa pelvic area, problema sa teroydeo, at cancer.

Payo ng doktora sa mga bigong magkaanak na magpatingin sa fertility doctor upang matukoy ang sanhi at malapatan ng karampatang lunas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.