Flower farm sa Pangasinan, patok na pasyalan ngayong holiday break | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Flower farm sa Pangasinan, patok na pasyalan ngayong holiday break

Joanna Tacason,
ABS-CBN News
Published Dec 26, 2019 07:29 PM PHT
|
Updated Dec 26, 2019 07:51 PM PHT

ASINGAN, Pangasinan - Patok na pasyalan ngayong holiday break ang flower farm na pagmamay-ari ng isang pamilya sa Barangay Carosucan Sur sa bayan na ito.

Labing-limang minuto mula sa bayan ng Asingan, mapupuntahan at puwedeng gumawa ng aktibidad sa family farm na puno ng magagandang bulaklak.

Ayon kay Emmanuel Sapiera, may-ari ng naturang flower farm, hindi sana nila bubuksan sa publiko ito pero dahil sa dami ng namamasyal, ay tuluyang ginawang pasyalan ito.

"Mahilig talaga kaming magtanim na mag-asawa. Itong farm na ito sa buong pamilya ko na," ani Sapiera.

ADVERTISEMENT
"Kung ano iyong appreciation nila sa mga bulaklak, sana mai-preserve nila iyon para lalong magtagal."

Samu't saring bulaklak ang makikita sa flower farm, kagaya ng Vietnam Rose (Sun Rose), African Marigold, sunflower, Zinnia, orchids, at iba pang ferns.

Bukod sa mga bulaklak, makikita rin sa 30-ektaryang farm ang mga fruit-bearing trees tulad ng papaya, calamansi, mangga, at mulberry.

Mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon puwedeng mamasyal sa flower farm.

Pwede ring mag-picnic at mag-overnight camping sa mga Indian Wigwam Tent sa halagang P100 kada tao.

Ipinagbabawal naman ang pag-apak at pagpitas ng mga bulaklak at pagkakalat.

Ayon sa pamilya Sapiera, balak nilang palaguin ang flower farm, na itinuturing na ngayong bagong tourist attraction sa Asingan.

Read More:
Regional news
Tagalog news
Asingan
Pangasinan
flower farm
bulaklak
Sapiera
tourist spot
attraction
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT