Guro, piniling mamasura nang magretiro | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Guro, piniling mamasura nang magretiro
Guro, piniling mamasura nang magretiro
Joworski Alipon,
ABS-CBN News
Published Dec 04, 2017 06:36 PM PHT

MANDAUE CITY, Cebu -- Isang retiradong guro ang piniling sumabak ngayon sa bagong "propesyon": mamasura sa Umapad dumpsite para may pagkakitaan.

Siya si Emmanuel Briones, 75 anyos, o mas kilala sa mga nasa dumpsite bilang si "Sir Maning."

Mula nang magretiro sa pagiging guro ng matematika sa iba't ibang pampublikong paaralan sa Toledo City, Western Cebu, naging mangangalakal na siya ng basura sa dumpsite sa Mandaue City.

Lahat ng kinikita niya sa pamamasura, inilalaan niya sa pang-araw-araw niyang kakainin.

ADVERTISEMENT
Naging tahanan niya na rin ang isang barong-barong na yari sa mga gamit na nakalkal niya mula sa pamamasura, tulad ng lumang bath tub na ngayo'y kama niya na.

May buwanang pensiyon din naman si Briones na nakakatulong para sa kaniyang panggastos.

Aniya, lalo niyang nagagamit ang matematika ngayon dahil kailangang pagkasyahin ang pera niyang nakukuha para sa mga gastusin niya.

May asawa at limang anak si Briones sa Toledo pero pinili raw niyang humiwalay sa kanila dahil na rin sa walang patid umanong away nila ng kaniyang misis.

Gayumpaman, lagi pa rin siyang nag-aabot ng pera sa kaniyang pamilya.

Kuwento pa ng isa niyang anak, lagi pa rin naman silang binibisita ng ama at ilang beses na rin silang nakiusap na bumalik na siya sa kanilang bahay.

Pero sadyang gusto ni Briones na manatili sa dumpsite at magbanat ng buto sa pamamasura.

Malayo man, inspirasyon pa rin si Briones sa anak na pinili ring maging guro.

Maging ang ibang naging estudyante ni Briones, binalikan ang dedikasyon ng guro sa kaniyang mga estudyante, kaya naman may ibang nahikayat na maging guro na rin.

Ayon sa isang psychologist, maaaring kaya pinili ni Briones na magpatuloy sa pagtatrabaho matapos magretiro ay para magkaroon pa rin ng ambag sa lipunan.