PANOORIN: Gabay sa tamang pagtawa o 'laughter yoga' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Gabay sa tamang pagtawa o 'laughter yoga'

PANOORIN: Gabay sa tamang pagtawa o 'laughter yoga'

DJ Arcon,

ABS-CBN News

Clipboard

Sinasabing "it's more fun in the Philippines" hindi lang dahil sa mga magagandang lugar na matatagpuan sa Pilipinas; bagkos, likas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin kahit may pinagdadaanang problema.

Sa programang "Ma-Beauty Po Naman" ng DZMM, tinalakay ni Pinoy Laughter Yoga founder Paolo Martin Trinidad kung paano nakatutulong ang pagtawa sa maayos na kalusugan.

Ayon kay Trinidad, kapag ang isang tao ay nakakaranas ng lungkot o depresyon, bumababa ang serotonin level sa katawan na maaaring maging sanhi ng iba't ibang klase ng sakit.

Sa ngayon, ginagamit din ang laughter yoga bilang isa sa mga paraan ng therapy para sa rehabilitasyon ng mga nalulong sa droga.

"Sa Pinoy Laughter Yoga, pinagsasama-sama dito ang pranayama (breathing techniques) at laughter," paliwanag ni Trinidad.

ADVERTISEMENT

"Through these breathing exercises, nailalabas nila ang galit, lungkot, selos, pagkapikon at iba pang mga negative emotions."

Dagdag ni Trinidad, kahit malungkot ang isang tao, maaaring lokohin ang utak upang makapagpalabas ng serotonin sa pamamagitan ng pagngiti o pagtawa.

Ayon kay Trinidad, narito ang gabay sa tamang pagtawa:

Matapos gawin ang laughter yoga, kinakailangan ding mag-breathing exercise.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.