ALAMIN: Ano ang brain aneurysm? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Ano ang brain aneurysm?
ALAMIN: Ano ang brain aneurysm?
ABS-CBN News
Published Oct 26, 2017 02:44 AM PHT

Ang brain aneurysm ay ang pagnipis ng blood vessel at paglobo nito, ayon sa isang neurologist.

Ito ay nabubuo sa paglipas ng panahon dulot ng stress sa blood vessels, ani Dr. Julette Marie Feliciano-Batara, neurologist sa St. Luke’s Medical Center at Philippine General Hospital.

"Kasi unti-unti po iyon lumalaki, para siyang lobo. Numinipis iyong ugat so nagfo-form siya ng parang balloon, iyon ang tinatawag nating aneurysm, iyon ang pumuputok," aniya.

Ang mga taong may hypertension, high-blood pressure at naninigarilyo ang kadalasang nakararanas ng aneurysm, ayon kay Feliciano-Batara.

ADVERTISEMENT
Maski ang kabataan ay maaaring makaranas ng aneurysm, ayon sa doktora.

"Meron din po kaming 20s na nakikita so iyon nga ang risk factor niyan is hypertension, high-blood pressure atsaka smoking. Not necessarily mataba," aniya.

Ang aneurysm umano ang biglaang pagdama ng pinakamasakit na headache.

"Biglang headache iyon, hindi siya iyong nararamdaman mo ng headache for a long time. Pinakamatinding sakit ng ulo, iyon ang tawag namin," ani Feliciano-Batara.

Maaari umanong makarekober sa aneurysm kung ito ay maaagapan.

"Pero depende iyon sa severity niya from the beginning. Kasi kung sobrang massive ang bleeding at comatose ang tao, pwedeng hindi," ani Feliciano-Batara.

"Pero meron kasing pumuputok na aneurysm na headache lang talaga ang symptom nila tapos nakita agad na aneurysm siya so inooperahan iyon. Nasasara iyong aneurysm para hindi siya pumutok ulit."