Kuwento ni 'Juan Tamad', may masamang epekto sa Pilipino? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kuwento ni 'Juan Tamad', may masamang epekto sa Pilipino?

Kuwento ni 'Juan Tamad', may masamang epekto sa Pilipino?

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 11, 2017 03:01 PM PHT

Clipboard

Natatangi sa lokal na panitikan ang mga alamat ni Juan Tamad, isang binatilyong tanyag dahil sa kaniyang matinding katamaran.

Isa sa mga pinakasikat na varyant ng kuwento ay nang may matagpuang puno ng guava si Juan na nagbubunga ng prutas.

Subalit dahil sa katamaran, mas pinili ni Juan na mahiga na lamang sa ilalim ng puno upang hintaying malaglag ang prutas at kaniyang makain.

Para kay Gerald Abergos, isang sociologist at eksperto sa popular na kultura, mayroong dulot na "stigma" o bahid ng kahihiyan o kasiraang-puri sa mga Pilipino si Juan Tamad.

ADVERTISEMENT

Ikinakabit kasi sa mga Pilipino ang katangiang pagiging tamad dahil si "Juan" umano ay kumakatawan sa pambansang pagkakakilanlan.

"Ang nakakalungkot doon ay parang nagiging stigma na siya. ‘Pag sinabi mong Pilipino, kasama na ‘yong kuwento ng Juan Tamad," ani Abergos sa programang "Sakto" ng DZMM.

Unang inilathala ang mga kuwento ni Juan Tamad noong 1919 ng isang hindi pa nakikilalang may-akda.

Subalit patuloy itong nananaig sa kamalayan ng mga Pilipino dahil pinagpapasa-pasahan ang kuwento ni Juan Tamad sa bawat henerasyon.

Sikolohikal na epekto

Ayon kay Abergos, maaaring magdulot ng iba't ibang epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng mga Pilipino ang kuwento ni Juan Tamad.

Isa na rito ang "negative reinforcement." Sa ilalim nito, pinupuna o ipinamumukha sa isang indibiduwal ang isang pag-uugali upang baguhin ito.

"Sasabihin sa iyo na tamad ka, hindi ka productive ... hopefully magbabago [ka]," paliwanag ni Abergos.

Kabaligtarang epekto naman ang "self-fulfilling prophecy."

Dito, madaling tinanggap ng isang indibiduwal ang pinupunang pag-uugali dahil iniisip nitong wala na siyang magagawa upang magbago.

"Hindi lahat, kapag kinuwento mo na tamad ka ... hindi ‘yon mate-take ng tao," ani Abergos.

"So ang storya ng Juan Tamad ay parang tinanggap natin na ang Pilipino ay tamad," dagdag pa ni Abergos.

Payo ni Abergos na gabayan ang mga bata tuwing ikukuwento ang alamat ni Juan Tamad upang maiwasang mahikayat sa pagiging batugan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.