Binatilyong gumagawa ng laruan mula sa lumang tsinelas, bumida sa 'Little Big Shots' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Binatilyong gumagawa ng laruan mula sa lumang tsinelas, bumida sa 'Little Big Shots'

Binatilyong gumagawa ng laruan mula sa lumang tsinelas, bumida sa 'Little Big Shots'

ABS-CBN News

Clipboard

Sa edad na 13, ginagamit ni Jupel Batobato ang kanyang pagiging malikhain para makatulong sa kanyang pamilya.

Gamit ang mga lumang tsinelas, gumagawa ng mga laruang sasakyan si Jupel.

Ibinebenta niya ito sa mga guro sa kanyang paaralan. Ginagamit naman niya ang kanyang kinikita para suportahan ang kanyang pag-aaral at ang kanyang pamilya.

Pangarap ni Jupel na makapagtapos ng pag-aaral.

ADVERTISEMENT

Ilan rin sa mga ginawang laruan ni Jupel ay binili ng mga Kapamilya stars katulad nila Piolo Pascual, Daniel Padilla at kanyang ina na si Karla Estrada, Boybang PH, Kim Chiu, Maymay Entrata, Edward Barber, Judy Ann Santos, Coco Martin at maging si Angel Locsin.

Pinuri ng mga artista si Jupel dahil sa kanyang pagsusumikap para sa kanyang pamilya, at itinuring siya bilang isang inspirasyon.

Kadalasang ibinebenta ni Jupel ang kanyang mga laruan sa halagang P150 hanggang P300, ngunit binili ito ng mga Kapamilya stars sa halagang P10,000.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.