Grape farm, atraksyon ngayon sa Iloilo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Grape farm, atraksyon ngayon sa Iloilo
Grape farm, atraksyon ngayon sa Iloilo
Jennifer Garcia,
ABS-CBN News
Published Aug 30, 2018 12:54 PM PHT
|
Updated Aug 30, 2018 01:09 PM PHT

STA. BARBARA, Iloilo – Dinarayo na ngayon bilang bagong tourist attraction ang isang grape farm na dati nang nasalanta ng bagyo.

Sa 2.7-ektaryang lupain ng pamilya Denila sa nasabing bayan matatagpuan ang grape farm.

Brazilian hybrid variety ng ubas ang makikita dito.

Patok ito ngayon sa mga bisita lalo pa at sila mismo ang makakapamitas ng ubas sa halagang P100 kada kilo.

ADVERTISEMENT
Ayon sa may-ari na si Alfonso Denila, natuto siyang magtanim ng ubas sa kaniyang tiyuhin na may-ari ng Lomboy Farm sa La Union.

Taong 1991 nang simulan niya ang grape farm sa Iloilo.

Pero nawala ang lahat ng kanilang pinaghirapan ng bayuhin ng bagyong Frank ang Iloilo noong 2008.

Umabot pa ng halos limang taon bago muling nakabangon ang pamilya at muling naitayo ang grape farm.

Ngayon, may 300 na puno na ng ubas sa kanilang farm.

Dagdag pa dito ang 3,000 puno ng apple guava.

Ang farm na ito ang tumutulong ngayon sa ilang residente na dito na rin nagtatrabaho.