ALAMIN: Paano pupuksain ang mga peste sa bahay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Paano pupuksain ang mga peste sa bahay

ALAMIN: Paano pupuksain ang mga peste sa bahay

ABS-CBN News

Clipboard

Ang mga pesteng hindi naman imbitado sa bahay, paano paaalisin?

Ayon kay Allo Dizon, isang pest control expert, susi sa pagkakaroon ng 'pest-free' na bahay ay ang pagpapanatili sa kalinisan ng paligid para maiwasan ang mga karaniwang peste tulad na lamang ng ipis, lamok, langgam, at anay.

Ayon kay Dizon, mahalagang iwasan ang pagkakaroon ng mga butas sa loob ng bahay, lalo na sa bintana, pintuan, at lababo dahil maaari ditong dumaan ang mga ipis at daga. Kung natuklasan na ang mga butas, agad itong takpan o kumpunihin.

Makatutulong din aniya ang paglalagay ng 'screen mesh' sa drains ng banyo upang maiwasan ang pagpasok ng lamok at ipis.

ADVERTISEMENT

Ang pagkakaroon ng citronella at neem tree sa labas ng bahay ay makatutulong din aniya bilang pantaboy sa mga lamok upang maiwasan ang pagpasok nito sa loob ng bahay.

Paliwanag ni Dizon, ang mga ipis ay hindi lamang sa mga drainage at kanal nakukuha, maaari rin aniyang makuha ang mga ipis mula sa mga itlog o egg capsule na iniwan ng adult cockroach sa mga karton o sa mga singit-singit ng ating tahanan. Mahalagang palagi raw itong tinitingnan upang maalis agad ang mga itlog ng ipis at hindi na mag-hatch.

De-kuryenteng gadyet na tumataboy ng daga at ipis, mabisa ba?

"Effective din 'yon pero... pangmadalian lang...Kasi ang nangyayari nu'n, parang inilalagay mo lang sa isang tabi 'yong insekto, hindi mo siya pinapapasok. Kaya lang, meron lang siyang certain range nu'ng kaya nung radiation na mare-repel sila... 'Di sila pupunta pero 'di mo sila pinapatay," paglilinaw ni Dizon.

"Certain light na ini-emit o 'yong luminance niya, naa-attract natin'yong flying insect, meron siyang kasama du'n na glue board sa back niya para 'pag pumunta siya do'n, paglipad niya mata-trap siya sa glue," dagdag niya.

Gamot at pag-iwas sa anay

Ayon kay Dizon, komplikadong usapin ang pagpuksa sa anay bagama't nagpaliwanag siya ng mga maaaring gawin upang maiwasan ang anay sa bahay.

Ani Dizon, kasabay sa pagtatayo ng bahay ay dapat na isabay ang treatment ng lupa laban sa anay. Kung hindi naman ito naisabay, magkakaroon pa rin aniya ng treatment sa palibot na lupa ng bahay.

Payo rin ni Dizon na iwasan ang pagsasandal ng kahoy sa pader dahil puwede raw itong daanan ng anay papasok sa loob ng bahay.

Pati na rin ang mga puno ay dapat na hindi nakadikit sa bubong dahil puwede rin aniya itong daanan ng anay at langgam.

Paalala rin ni Dizon na kailangang mapatay ang mismong colony o iyong pinanggagalingan ng mga anay upang mapuksa ito.

Dapat maging napakaingat kung gagamit ng boric acid. Dapat ay pag-aralan kung paano ito gamitin dahil hindi ito ganoon kasimpleng gamitin dahil sa pulbos ito at may pangamba na maaari itong malanghap ng mga bata o sanggol sa bahay.

Paliwanag din niya na kalimitan, nasa kusina ang mga peste sa bahay at kung gagamit ng boric acid ay baka raw mapunta ito sa mga kubyertos, ani Dizon.

"Nakatutulong ang boric acid bagama't kailangan nito ng proper handling. 'Yong proper application, 'yon dapat ang inaalam natin bago natin gamitin. Huwag basta-bastang gagamit ng kemikal," paliwanag ni Dizon.

Dagdag niya na dapat kumunsulta sa isang pest professional upang malaman ang mga tamang hakbangin sa pagpuksa sa anay at ng iba pang peste sa loob at labas ating bahay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.