7 taong gulang, ibinida ang paintings sa solo exhibit sa Legazpi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
7 taong gulang, ibinida ang paintings sa solo exhibit sa Legazpi

ABS-CBN News
Published Aug 03, 2017 08:25 PM PHT
|
Updated Aug 03, 2017 08:50 PM PHT

Hinangaan ng marami ang solo art exhibit ng isang 7 taong gulang sa Legazpi City.

Ibinida ang mga obra ni Yonah Franceska Toledo o mas kilala sa tawag na 'Chek' na may temang mga bulaklak.

Tatlong taong gulang pa lang si Toledo nang magsimula siyang magpinta.

Dahil arkitekto ang kanyang ama, paintbrush na ang kanyang naging laruan. Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 300 paintings at pangarap niya ang magkaroon ng art exhibit.

Hindi rin inakala ng inang si Laura Toledo na magkakaroon na ng art exhibit ang anak sa murang edad.

Marami ang nagpa-reserve at bumili ng mga painting sa exhibit ni Chek. Nais niyang ilaan ang maiipong pera para sa therapy ng kapatid na kailangan isalba ang kaliwang tenga.

Parte rin ng malilikom na pera ang ibibigay nila sa mga nangangailangan.

Marami ang tiwalang malayo ang mararating ni Chek sa larangan ng pagpipinta lalo na at may kasabay pang pagtulong sa iba ang kanyang talento.

--Ulat ni Thea Omelan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
tagalog news
art
art exhibit
art kid
artist
Legazpi City
solo exhibit
Chek
Yonah Franceska Toledo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT