ALAMIN: Sanhi ng pangingitim ng balat | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Sanhi ng pangingitim ng balat
ALAMIN: Sanhi ng pangingitim ng balat
Pia Regalado,
ABS-CBN News
Published Aug 03, 2016 01:35 AM PHT

Isa ka ba sa namomroblema dahil sa pangingitim ng iyong balat, partikular na sa singit, leeg, kili-kili, siko at iba pa ng bahagi ng katawan? Ano nga ba ang sanhi ng pangingitim ng balat?

Sa programang "Private Nights," ipinaliwanag ni Dr. Lulu Marquez na madalas naaapektuhan ng Acanthosis nigricans o ng pangingitim ng balat sa ilang parte ng katawan ang mga indibidwal na mabigat ang timbang o may diabetes.

Walang edad na pinipili ang naturang kondisyon pero mas lantad ito sa mga may maitim na balat.

Makikilala ang naturang kondisyon sa balat dahil may partikular na lugar lang ang nangingitim. Bahagyang kumakapal din ang balat dito. Bukod sa pangingitim, maaaring may nakakabit na balat dito o tinatawag na "skin tags" na pwedeng maging kulugo.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Marquez, ito ang ilan sa dahilan ng pangingitim ng balat:

1. Sugar
"Usually ang mga obese ay may problema sa insulin, may insulin resistance," banggit nito.

Ayon sa Mayo Clinic, ang insulin resistance ay nakakadulot ng type 2 diabetes.

2. Iniinom na gamot
Maaaring side effect ng pag-inom ng gamot, partikular na ng mga gamot na pang-regulate ng hormones at cholesterol pati na rin ng steroids, ang pangingitim ng balat.

3. Iba pang kondisyon tulad ng Addison's disease, sakit sa pituitary at/o thyroid gland
4. Cancer
Ayon sa Mayo clinic, maaaring makaranas ng Acanthosis nigricans ang mga may lymphoma o kapag nagkaroon ng tumor sa sikmura, bituka, at atay.

Payo pa ni Marquez, maging malinis sa katawan. Ugaliin ang exfoliation ng balat sa pamamagitan ng pagkuskos sa balat.

Nagbabala rin ito kontra sa mga deodorant o lotion na nakakaitim ng balat dahil sa kemikal.

Makakatulong din kung malilimitahan ang pagkain ng matatamis at mas magiging aktibo sa pag-eehersisyo para bumuti ang kalusugan.