Food trip sa Beijing: Alakdan, kulisap, at pinatandang tsaa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Food trip sa Beijing: Alakdan, kulisap, at pinatandang tsaa

Mga Retrato at Teksto ni Abigail Reduble
Published Jul 30, 2017 11:54 PM PHT
|
Updated Jul 31, 2017 12:03 AM PHT

Beijing, China– Isa sa pinakapatok na destinasyon sa Beijing ang Wangfujing. Doon matitikman ang ilang tradisyonal na pagkain sa Tsina pati na rin ang mga kakaiba o exotic na street food.

Sa isang eskinita, matatagpuan ang iba't ibang street food kagaya ng buhay na alakdan o scorpion, mga kulisap, at lamang dagat.

Kung masyadong exotic para sa panlasa ang mga kulisap, maaari rin namang subukan ang sikat na Bingtanghulu o Tanghulu na inasukalang mga prutas gaya ng 'presas' (strawberries), Chinese Hawthorns at iba pang nakatuhog sa stick.

May mga stall ding nagtitinda ng Baked Raengmyeon na isang tradisiyunal na pagkain ng mga taga Hilagang bahagi ng Tsina. Maihahalintulad ito sa lumpia o spring roll na may sangkap na cold noodles, itlog, sarsa, ensaladang gulay at karne.

Sa mga mahilig naman sa tsaa, tampok sa Qing Shan Ju Tea House ang iba't ibang klase ng tsaa:

1. Ginseng Oolong Tea
Sinasabing mainam ito sa para sa memorya at kidney.

2. Pu’er Tea o “longevity tea”
Caffeine-free ito kaya itinuturing itong "everyone's tea". Mainam daw ito sa pagbabawas ng timbang, pagpapababa ng blood pressure at cholesterol.

Hindi gaya ng ibang tea, mas masarap ang Pu'er tea kung mas matagal na, 42 taon ang pinakamatanda nito. Wala rin itong expiration date.

3. Lychee mixed with Rose Tea
Matamis-tamis ang tsaang ito na inirerekomenda nilang lunas sa masamang tiyan.

4. Jasmine Tea
Kilala ang Jasmine Tea bilang local tea ng Beijing. Inaalok ito sa halos lahat ng restaurant sa Beijing. Nakahihimbing din ng tulog at nakababawas daw ng sakit ng ulo ang jasmine tea.

5. Fruit Tea
Mainam ito para sa good digestion. Maaaring inumin ang tea o kainin ang fruit tea.

6. Green Tea
Nakatutulong daw ang green tea sa malinaw na pag-iisip at pang-iwas din sa cancer.

7. 'Oriental Beauty' Tea
Nakakaganda naman daw sa balat ang 'oriental beauty' tea.

Read More:
PatrolPh
tagalog news
kakaiba
tea lovers
Beijing
China
Chinese exotic food
Wangfujing
Tanghulu
Baked Raengmyeon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT