ALAMIN: Balanseng pagkain kontra malnutrisyon sa mga bata | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Balanseng pagkain kontra malnutrisyon sa mga bata

ALAMIN: Balanseng pagkain kontra malnutrisyon sa mga bata

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 21, 2017 01:00 AM PHT

Clipboard

Nakamamatay ang malnutrisyon kung hindi masosolusyunan, ayon sa Department of Health (DOH). Dahil dito, gumawa ang ahensiya ng gabay para sa pag-aalaga ng mga malnourished na bata edad lima pababa.

Kung titingnan sa pisikal na pangangatawan, karaniwang mga payat na payat at 'buto't balat' ang mga batang moderate acute malnourished at severe acute malnourished.

Pero nilinaw din ng DOH na mahirap sabihin base sa pisikal na pangangatawan kung malnourished o hindi ang isang bata.

Kaya naman mas pinadali ito ngayon sa pamamagitan ng ilalabas na National Guidelines for the Management of Moderate Acute Malnutrition.

ADVERTISEMENT

Nakapaloob ito sa libro na pagtutulungan ng DOH at World Food Programme.

Base sa guidelines, isa sa mga batayan ang pagsukat ng bigat ng isang bata kontra sa taas niya, o kaya naman ay ang pagkuha ng mid-upper arm circumference (MUAC) gamit ang isang tape.

Maaari ring batayan ang pagkakaroon ng pamamanas sa paa na isang propesyunal naman ang makakapagsabi.

Nasa isang milyon ang bilang ng mga batang may acute malnutrition base sa pinakahuling national nutrition survey ng Food and Nutrition Research Institute.

Ayon sa isang nutiritionist dietician, hindi naman kinakailangang mahal ang mga pagkain at dapat lang na tama at balanse ito.

"Pagkain [ng] mayaman sa protina itlog, gatas, isda at karne. Kailangan din ng mayaman sa carbohydrates lalo na sa mga bata. Aktibo sila sa laro, eskuwelahan. Andiyan ‘yung tinapay, kanin, rootcrops tulad ng kamote, patatas. Siyempre di rin pwede mawala ‘yung gulay at prutas. Mayro’n naman tulad ng saging," sabi ng nutritionist dietician na si Patricia Cortez.

Dagdag pa niya, lahat ng sobra ay masama kaya dapat mag-ingat din sa dami ng mga kinakain at importanteng balance ito.

"Usually sa bata magsimula sa tubig 6-8 glasses, sa rice 4-6 serving o 1/2 cup o nasa isang tasa ng gulay ang dapat i-consume, at kailangan din nila ng gatas, isang baso o tasa ng gatas. Sapat na sa nutrisyon na kailangan nila,” ani Cortez.

Paalala pa ni Cortez, huwag ding kalilimutan ang exclusive breastfeeding hanggang anim na buwan ng bata.

Ugaliin din aniya ang pagpapasuri sa mga health center para mas malaman ang ilan pang pangangailangan ng isang bata.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.