1.3 toneladang gulay salad, pinagsaluhan sa Benguet | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1.3 toneladang gulay salad, pinagsaluhan sa Benguet

ABS-CBN News
Published Jul 15, 2017 03:42 PM PHT

Aabot sa 2,000 ang nagsalo-salo sa 1.3 toneladang gulay salad na inihanda sa La Trinidad, Benguet noong Huwebes, Hulyo 13.

Inani mismo ang mga gulay, tulad ng carrots, kamatis, repolyo, pipino, cauliflower mula sa Benguet. Nilagyan din ang higanteng gulay salad ng tatlong klase ng salad dressing.

Pinangunahan ng "League of Associations in the La Trinidad Trading Center" sa pakikipagtulungan ng isang pribadong culinary school sa Benguet ang paggawa ng higanteng vegetable salad.

Ayon kay Agusta Balanoy, pinuno ng Benguet Farmers' Marketing Cooperative, layunin ng aktibidad na maitaguyod ang lokal na produkto ng La Trinidad at mapalakas ang industriya ng turismo sa kanilang munisipyo.

“We want to tell the consumers na marami rin tayong gulay dito. May mga organic, may mga Good Agricultural Practices-certified din. So, it would be better kung sariling atin ang kanilang tangkilikin, hindi ang mga imported,” ani Balanoy.

Tumagal nang halos isang buwan ang mga paghahanda para sa nasabing aktibidad.

Bahagi rin ito ng Foundation Day celebration ng La Trinidad Trading Center.

-- Ulat ni Mae Cornes, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
tagalog news
balita
kakaiba
vegetable salad
La Trinidad
Benguet
vegetable
salad
biggest veggie salad
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT