Batang Pinay, kinoronahang Princess of the World 2016 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Batang Pinay, kinoronahang Princess of the World 2016

Ricalyn Caniedo,
ABS-CBN News
Published Jul 13, 2016 11:33 PM PHT
|
Updated Jul 14, 2016 02:47 AM PHT

Noong nakaraang Enero, kinoronahan bilang first Princess of the Philippines si Elysha Dinn Rasay, tubong Barangay Bannawag Sur, Santiago City.

Dahil dito, siya ang nagsilbing kinatawan ng bansa sa Bulgaria para sa Search for Prince and Princess of the World 2016.

Mahigpit ang kompetisyon pero siya ang nakapag-uwi ng korona.

"Ginawa ko po kasi 'yung best ko kaya po ako nanalo. Tulad po ng sa question and answer, doon po sa mga ibang attire na imo-model ko po," ani Elysha.

ADVERTISEMENT
Ilan pa sa mga umani ng papuri sa kompetisyon ang hand-painted na national gown ni Elysha. Nagpakitang gilas din siya sa pagsasayaw sa talent portion.

Nakalaban ni Elysha sa kompetisyon ang nasa mahigit 40 bansa tulad ng Ukraine, Russia at Japan.

Dahil sa kompetisyon, marami umano siyang mga nakilalang kaibigan na nag-iimbita na rin sa kanya sa kani-kanilang bansa.

"Nababasa niya po lahat 'yung mga comments... So na-inspire po siya doon," ayon kay Ritchel Rasay, ina ni Elysha.

Pangarap umano ni Elysha na maging modelo balang araw, at susuportahan naman daw ito ng kanyang ina.

"Mag-aral lang muna siya... Magtapos siya ng pag-aaral para kung ano 'yung gusto niyang gawin, magagawa niya," ani Ritchel.

Nagpapasalamat din ang pamilya ni Elysha sa mga nagpaabot ng tulong para makaabot sila sa kompetisyon.

Muling irerepresenta ni Elysha ang bansa sa isa na namang beauty contest na gaganapin naman sa Paris, France sa darating na Mayo sa susunod na taon.