ALAMIN: Iba't ibang uri ng glutathione | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Iba't ibang uri ng glutathione

ALAMIN: Iba't ibang uri ng glutathione

Neima Chowdhury,

ABS-CBN News

Clipboard

Kadalasan nang naririnig sa mga patalastas ang glutathione na ginagamit pampaputi at pampaganda ng kutis. Ito ay nakikita sa mga iba't ibang anyo tulad ng kapsula, iniksyon, lozenges, at mga pampahid. Ngunit, ano nga ba ang pagkakaiba-iba ng mga ito at alin ang pinaka-epektibo?

Sa programang "Magandang Gabi Dok," ipinaliwanag ng aesthetic dermatologist at anti-aging specialist na si Dr. Catherine Porciuncula ang pagkakaiba ng mga produktong glutathione.

Ayon kay Porciuncula, may pag-aaral tungkol sa lozenge form o tila candy na produkto ng glutathione na isinagawa sa mga kababaihan. Walong linggo matapos gamitin ang naturang produkto, nakitaan na ng pagbabago ang kutis ng mga sumailalim sa pag-aaral.

Paglalarawan ng doktor, ang lozenge form glutathione ay unti-unti lamang na tinutunaw sa bibig kung saan maraming blood vessels kaya't mas mabilis itong kumalat sa sistema.

ADVERTISEMENT

"Dini-dissolve mo lang siya sa mouth mo. Kasi ang ating mouth, mayro'n tayong tinatawag na buccal mucosa kung saan maraming blood vessels. So diretso siya sa sistema, diretso siya sa systemic circulation," ani Porciuncula.

Bagaman parehong sa bibig dumadaan ang lozenge form at mga kapsulang produkto na may glutathione, magka-iba ito ng epekto dahil dumadaan pa umano ang kapsula sa gastrointestinal tract.

"Ang oral form actually effective din naman but then dumadaan siya sa gastrointestinal tract. Tapos 'yung useful part ng gluta kasi ma-aabsorb na siya doon pa lang. So may process na na nangyayari. So bago pa pumunta sa systemic circulation, 'yung useful product kumbaga mas lessen na siya," paliwanag ng doktor.

Samantala, ang IV glutathione o mga iniksyon din ay mabilis ang epekto ngunit maaari umanong makaranas ng impeksyon sa lugar na pinagturukan nito at ang iba ay nakararamdam ng sakit ng ulo.

"So ang IV naman, alam natin may mga complications. Very rapid din kasi ang effect niya. Actually infection dun sa site na pinag-injectionan. Tapos since rapid siya, 'yung iba nagcocomplain ng headache," ani Porciuncula.

Para naman sa mga pinapahid sa balat na glutathione tulad ng lotion o sabon, asahan umano na mas matagal ang magiging resulta nito.

"Lotions or anything na pinapahid, it would really take time before you see results. Usually cocombine mo pa rin talaga. 'Pag pinapahid, mga 4-6 months before you see any result," pahayag ni Porciuncula.

Paalala naman ni Porciuncula, mainam rin na alagaan ang balat mula sa init ng araw bukod sa pag-inom o paggamit ng mga produktong nagtataglay ng glutathione.

"Importante talaga ang sun protection, hindi naman din alone siya na magtetake ka noon then ok lang na magpaaraw ka. So importante na magsunblock and 'yung protection pa rin," payo ng doktor.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.