Tinutuyang 'basurero,' nagtapos sa kolehiyo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tinutuyang 'basurero,' nagtapos sa kolehiyo

Tinutuyang 'basurero,' nagtapos sa kolehiyo

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 02, 2019 12:30 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi inalintana ng isang dating basurero sa Cagayan de Oro ang kasalatan sa buhay upang makapagtapos sa kolehiyo.

Patuloy na nagsumikap sa pag-aaral ang dating mangangalakal na si Jeb Bayawon hanggang makamit ang pinapangarap na diploma.

Bagaman laging tinutuya dahil sa hanapbuhay ay determinado ang 23 anyos na binata na makapagtapos ng pag-aaral.

"Tinatawag ako na basurero, 'yong teacher ko naman ayaw sa akin kasi mabaho ako," ani Bayawon.

ADVERTISEMENT

Hindi aniya naging madali ang naging karanasan niya makapagtapos lamang.

Sumabay sa hirap ng buhay ni Bayawon ang magkasunod na pagkasawi ng kaniyang mga magulang bunsod ng sakit.

Bukod sa ulila na sa mga magulang, may kani-kanilang pamilya na rin ang kaniyang mga kapatid.

Sa tulong ng isang foundation, nakapag-aral si Bayawon mula elementarya hanggang kolehiyo sa pamamagitan ng alternative learning system.

Nitong Hunyo ay nakapagtapos siya sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English sa Mindanao State University.

Naghahanda na si Bayawon para sa licensure exam sa pagkaguro sa darating na Setyembre.

Bilang pasasalamat ay plano niya na maglingkod sa foundation na tumulong sa kaniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.